Una sa Balita

Richard handang magpasilip ng wetpaks

0 502

‘Paulit-ulit akong pinaiyak ni Richard!’ ang chika ni Annabelle Rama sa amin nu’ng nag-attend ako sa pa-block screening ni Jun Lalin para sa pelikulang “Unbreakable”, na bida nga sina Richard Gutierrez, Bea Alonzo at Angelica Panganiban.

Ginanap ang block screening na ‘yon sa Podium, na kung saan ay dumalo nga ang mga kaibigan ni Jun na mga artista, tulad ni Assunta de Rossi. At siyempre, kapatid ni Richard na si Ruffa Gutierrez, at tatay na si Eddie Gutierrez.

Yes, napakahusay ni Richard sa “Unbreakable”, na marami siyang moment na maiiyak ka talaga.

“Nakaka-miss ang mga ganitong movie, na classic talaga. ‘Yung alam mong tatak Star Cinema talaga,” sabi ni Chard.

Well, sa simula nga ay ayaw magsalita ni Chard sa tanong ko kung pareho ba niyang tinikman ang dalawa niyang leading lady sa movie. Pero, sa panonood ko nga ng movie nila, nakuha ko nga ang sagot.

Siyanga pala, plano ni Chard na gumawa pa ng mas maraming pelikula. Mga matatapang na kuwento ng pelikula, o mga papel na hindi niya madalas gawin, o never pa niyang ginawa sa buhay niya.

Like sa “Unbreakable”, adik sa alak ang role niya, na marami ngang problema, insecurity sa buhay. At bagay nga sa kanya ang role, lalo na at medyo payat talaga siya sa pelikula, ha!

Anyway, natanong ko nga kung papayag din si Chard na maghubad na rin sa movie. Na tipong magpapakita siya ng puwet sa movie? Tutal naman, game na rin siyang gumawa pa ng mga mas marahas na eksena.

“Yeah, kung may magandang story na darating, why not?” sagot ni Chard.

Oh, kaya sa mga nag-aasam na makitang hubo’t hubad si Richard, mag-pitch na kayo ng kuwento, at malay niyo, ang istorya, role na ibibigay niyo, ang maging hudyat para matupad ang wish niyo na mabosohan ang dyowa ni Sarah Lahbati.

Siyanga pala, inamin ni Richard sa “TWBA” na muntik na niyang iwan ang pagsho-showbiz at manirahan na lang sa ibang bansa noon.

“I was about to live in a different country. Yeah, nagplano na ako. Start a new life.”

Ayon sa kanya, tinanong niya ang sarili kung gusto rin daw niyang gayahin ang ginawa ng ama nang umalis na lang ito ng bansa at iwan ang career nito.

“My dad did that. My dad walked away. I asked myself if I could do the same.”

Nang tanungin siya ni Tito Boy kung bakit hindi ito natuloy, sabi ng “Unbreakable” star ay dahil na rin sa opportunities na biglang nagsulputan nang panahong iyon.

“‘Yung destiny ko talaga is to be here and opportunities came and I grabbed it. Sunod-sunod na,” saad niya.

Sa ngayon, super grateful nga ang Kapamilya star sa blessings na dumarating sa kanyang buhay. Isa na nga rito ang makabilang sa pelikula kasama sina Bea at Angelica.

Laban nina Espejo, Bagunas, Valdez, Maraño live sa ABS-CBN S+A

Eksklusibong mapapanood sa ABS-CBN ang 2019 SEA Games opening ceremonies ng LIVE mula sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa Nobyembre 30 (Sabado) simula 6:50 pm, habang may live streaming din sa iWant at replay sa S+A ng 10 pm.

Muli na namang bibida ang tapang, galing, at puso ng mga Pilipino sa pagsasagawa ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games dito sa Pilipinas na ihahatid ng ABS-CBN Sports sa telebisyon at online.

Ayon kay House Speaker at Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) Chair Alan Peter Cayetano sa panayam ng ABS-CBN News, napakaganda ng masasaksihan sa opening ng 2019 SEA Games dahil ang mga nasa likod nito ay nakagawa na rin ng opening ceremony sa Olympics.

Nagpasalamat din siya dahil sa tulong ng ABS-CBN bilang broadcast partner ay mapapanood ito ng maraming Pilipino nasaan man sila.

“It will really be a great show. We believe that all Filipinos should have the opportunity to watch and since hindi naman lahat makapunta doon live it’s a big big privilege and honor to have ABS-CBN cover it live so that not only can all Filipinos win as one but enjoy the opening ceremonies as one,” aniya.

Maliban sa opening, mapapanood rin sa ABS-CBN S+A, LIGA, at iWant masusundan ang aksyon sa mga sikat na larong volleyball at football. Live rin ipapalabas sa mga platapormang ito ang closing ceremonies sa Disyembre 11 ng 6:30 pm.

Inaabangan din ang pag-atake ng Philippine men’s volleyball team sa pangunguna nina Marck Espejo at Bryan Bagunas at Philippine women’s volleyball team nina Alyssa Valdez at Aby Maraño sa kani-kanilang unang laban sa Disyembre 2 (Men’s) at Disyembre 3 (Women’s). Isa ring espesyal na dokumentaryong pinamagatang “Sambansa, One Country, One Goal” ang ipapalabas sa S+A sa Sabado (Nobyembre 30) ng 6 pm tungkol sa paghahanda ng women’s volleyball team upang magdala ng karangalan sa bansa.

Bukod sa volleyball at football, makakapanood rin ng highlights mula sa ibang sport tulad ng swimming, gymnastics, at track and field, at mga laban ng mga magwawaging Pinoy athlete sa “The Score,” na ipapalabas ng 9 am at 8 pm simula Disyembre 1.

Inaanyayahan naman ni ABS-CBN Integrated Sports head Dino Laurena ang publiko na ipakita ang kanilang suporta sa mga atleta sa panonood ng mga laro sa personal man, sa TV, o online. Aniya, maliban sa pag-abot ng kanilang pangarap, hangad ng mga atleta ang magdala ng saya at pag-asa sa buong bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More