Una sa Balita

Richard, Dingdong ginagawan ng away

By
0 3,049

Ibang klase talaga si Vice Ganda. Siya pala talaga itong may idea na pagsamahin sa isang project with him as lea­ding lady sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes.

Naging posible yun dahil sa Star Cinema, kaya’t asahan nating this MMFF entry called Fantastica… ay tunay namang makiki­pagkabugan among the other entries.

Imagine, kapwa naging­ Primetime Kings (at Primetime King pa rin now si Dong) ng GMA 7 ang dalawang guwapong aktor na never yatang napagsama ng network nila sa isang project until today with Star Cinema.

Sa story con nga ay pinag-usapan na hindi nagkaroon ng problema sa dalawa dahil kay Vice na hindi nila matanggihan.

But for us, this is indeed a very wise move for them. Aba, kahit sino ang dumikit at sumama nga­yon kay Vice Ganda, tiyak na sisikat pa! Sure kaming inisip nina Dong at Chard ang box-office power ni Vice kaya madali silang napa-oo.

Pero how true ha, na at this early ay tila mukha raw na kakailanganin ang intervention ni Vice para magkaroon ng magandang ‘start’ ang project nila. May tsismis kasing­ nasa compound lang umano ng Star Cinema si Dingdong during the story conference kung saan dumalo si Richard (Si Raymond Gutierrez daw po ang nag-attend at hindi si Richard na nasa Europe pa rin hanggang ngayon), pero hindi daw ito naki-join? Ay, may intriga agad hahahaha!

John Lloyd biglang bumait sa mga fan, game ulit sa selfie

Speaking of Lloydie, viral din ang mga Cebu photos niya na naka-bike at nagpagupit sa barbero sa halagang­ P40. Nakakatuwang tingnan para sa estado niya dahil mukhang ito ang mga simpleng bagay na gusto niya.

Mararamdaman mo rin naman ang kasiyahan sa mukha niya. Yun nga lang, the other side of the coin tells a different story.

Meron kasing mga kumukuwestiyon sa biglang pag-kambyo ni Lloydie pagdating sa pagpapakuha­ ng picture o pag-accommodate ng mga ‘fan’ to be with him sa photo.

Nung mga nakaraang panahon kasi, ‘privacy’ ang laging ini-insist nila ni Ellen na kailangan nila. May on-going case pa nga kaugnay ng umano’y invasion to their privacy, di ba?

Kaya nga sa pagkambyo ni Lloydie at pagiging­ mabait sa photo op, mukhang signal daw ito ng nalalapit niyang muling­ pagbalik showbiz?

Hala, kayo na po ang sumagot hahahaha!