Una sa Balita

Richard, Bea teleserye tuloy na

By
0 292

Naghatid ako noong Friday morning kay Richard Gutie­rrez sa Tom Bradley­ International Airport dahil 12:30pm dapat ang flight niya that day pabalik ng Pilipinas, pero pagdating­ namin doon ay in-announce na may delay at 11:00 na nang gabi ang flight nila.

Pero imbes na mainis, natuwa pa si Richard­ dahil may mga kailangan­ pa raw siyang bilhin para kay Sarah Lahbati at sa kanyang mga anak.

“Saka hindi ko pa nabilhan si Mom ng pasalubong,” sey ni Richard.

Abante Hiring – IT dep

Ang problema nga lang ni Richard ay madi-disappoint daw ang anak na si Zion na excited na raw na sunduin siya sa airport kagabi.

Anyway, ngayong umaga naman ang dating ng flight ni ­Richard mula sa Los ­Angeles, California.

Ayaw nga pala munang mag-comment ni Richard sa na-reveal ng isang website ng ABS-CBN tungkol sa next teleserye niya na si Bea Alonzo ang makakapareha niya.

Sabi ko kay Richard, mismong si Bea na ang nagkuwento tungkol sa project na ‘yon, kaya marami na ang nakakaalam.