Una sa Balita

Richard bawal nang mag-abroad dahil kay Bea

0 456

abante-anything-goes-jun-lalinNoong Monday, ka-text ko si Richard Gutierrez habang nasa Thailand sila ni Sarah Lahbati. Bale quick get-away lang ‘yon at hindi nila isinama ang mga anak na sina Zion at Kai.

Naiwan daw ang mga bata sa bahay nila sa White Plains sa pangangalaga nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

“Heading home now from Thailand with Sa­rah. We attended a Ducati sponsored event to test out the new scrambler motorcycle.

“‘Yung kids naiwan sa White Plains with Dad and Mom for the weekend.

“Enjoy naman sila roon,” text ni Ri­chard sa akin.

Kapag mabilisang bakasyon, hindi na nila isinasama ang mga bata dahil enjoy rin naman sina Tito Eddie at Tita Annabelle sa pag-aalaga sa mga apo.

Si Zion, sobrang happy rin kapag nagbo-bonding sila ng kanyang Baba Eddie.

Kapag magkasama nga ang da­lawa, tinuturuan ni Tito Eddie ng Spanish words si Zion at nakakapag-practice rin sila ng Elvis Presley songs.

Going back to their Thailand quick vacation, sobrang nag-enjoy si Richard dahil hobby niya talaga ang pagmo-motor. Ilang beses na rin siyang naimbitahan ng nasabing motorcycle brand na pumunta sa ilang events nila sa Europe.

Sinasamantala ni Richard ang mga ganoong imbitasyong habang hindi pa sila nagsisimulang mag-taping ni Bea Alonzo para sa kanilang teleserye dahil once na mag-start ‘yon ay bawal na naman siyang magbakasyon.

Noon nga pala ay mahilig sina Ri­chard at Sarah na mag-book in advance ng mga bakasyon dahil mas nakakamura sila, pero ilang bakasyon din sana nila ang na-cancel dahil may biglang trabahong dumarating, kaya hindi na rin sila nagbo-book nang advance ngayon.

‘Yung nalalapit nilang pagpunta sa Maui, Hawaii ay wala namang magiging problema dahil Holy Week naman at wala tala­gang trabaho.

Jak, Paul patalbugan ng abs sa ‘Kara Mia’

Bongga ‘yung mga sabunutang eksena sa “Kara Mia,” huh! Sa episode noong Monday, sina Barbie Forteza at Mika dela Cruz naman ang nagsabunutan.

Kapag gabi nga kasi ay nagkakaroon ng sariling katawan si Mika bilang si Mia, kaya posible talaga na magbanggaan sila ni Kara at nauwi na nga ‘yon sa sabunutan.

Ang leading men naman ng “Kara Mia” na sina Jak Roberto at Paul Salas ay madadagdagan daw ang mga eksena na naka-shirtless na magpapakita ng kanilang abs. Summer na kasi, kaya may pa-abs galore raw sina Jak at Paul.

Aktres nagsawa sa katatambay

Matagal ding hindi naging active ang aktres na ito sa showbiz. Actually, tamad-tamaran siya dahil sa kanyang lovelife.

Hindi lang nagkukuwento si aktres, pero may non-showbiz boyfriend siya na hindi rin type na nagtatrabaho siya kaya mara­ming mga trabahong pinalampas si aktres.

Pero after a while, na-realize ni aktres na miss na niya ang pag-arte kaya naman kumuha na siya ng bagong manager at tumanggap ng acting job.

At si non-showbiz boyfriend? Wala na. Erased na si lalaki sa buhay ni aktres dahil mas type na niyang mag-work ngayon kesa asikasuhin ang kanyang lovelife.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy