Una sa Balita

Richard atat nang mag-concert sa Canada

Eddie nakakalakad na

By
0 3,372

Ang ABS-CBN comedian na si Eric Nicolas ang kinuha ni Senator Jinggoy Estrada na mag-host sa birthday dinner event ni Dra. Loi Ejercito noong Saturday night sa Okada Hotel.

Pagkakita sa akin ni Eric, nag-dialogue kaagad siya ng, “O, Thursday na tayo!”

Ang Thursday na tinutukoy ni Eric ay ang pagpunta namin sa Vancouver, Canada dahil siya ang makakasama ni Richard Gutierrez doon para sa dalawang event na involved ang TFC (The Filipino Channel). Excited na raw si Eric na makasama si Richard.

“Ilan ang kakantahin ni Richard? Dalawa lang kasi ako,” sey ng comedian.

“Ten songs siya. ‘Yon na kasi ang launch ng singing career ni Richard,” pabirong sabi ko, na akala yata ni Eric ay totoo. Hahaha.

Pero in fairness, kakanta nga si Richard sa Samu’t Saring Saya! (A Manitoba Filipino Gathering) sa Maples Multiplex and Ground sa Manitoba on June 9 (Saturday) at sa The 2018 Philippine Days Festival on June 10 (Sunday) sa The Waterfront Park naman sa North Vancouver, BC.

Sabi ni Richard, memorable ang event na ito dahil first two shows niya ito para sa TFC ng ABS-CBN.

Hindi nga lang makakapag-perform si Richard dahil sa both event ay may greet and meet din siya kung saan ay puwede siyang makakuwentuhan at makapagpa-picture kasama siya ng mga kababayan natin doon!

Anyway, last Sunday, dumalaw si Richard, kasama si Sarah Lahbati at ang mga anak nilang sina Zion at Baby Kai, sa amang si Eddie Gutierrez, na nagpapagaling na sa two knees replacement surgery nito.

Natuwa si Richard na very past ang recovery ni Tito Eddie.

Bale nag-a-undergo ng physical therapy si Tito Eddie ngayon at sa tulong ng walker ay naglalakad-lakad na.