Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rich buntis uli kay Mudie

0 16

Buntis na si Rich Asuncion sa second baby nila ng mister na si Benjamin Mudie. May 2-year old daughter na sila na si Isabella Brie.

Pinost ni Rich sa Instagram ang kanyang baby bump na may nakasulat na #2. Si Brie naman ay ginaya ang mommy niya na may #1 naman na nakasulat sa tiyan nito.


Sa Australia na naka-base si Rich at ang kanyang pamilya simula pa noong magkaroon ng pandemya noong nakaraang taon. Australian citizen si Benjamin at noong makuha na ni Rich ang kanyang partner visa noong January 2020, lumipad ito kaagad kasama ang anak pa-Australia.


Simula noong kinasal sina Rich at Benjamin sa Hong Kong noong 2018, naging inactive na si Rich sa showbiz at mas nag-focus sa kanyang pagiging mother and wife. Wala naman daw regrets si Rich sa kanyang desisyon na tumira sa Australia dahil “one of the best decisions” ito na ginawa niya sa kanyang buhay.


Nagtrabaho bilang isang waitress sa isang restaurant sa Australia si Rich at hindi niya ito ikinakahiya. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.