Una sa Balita

Rich, Benj nagpakasal sa Hong Kong

By
0 1,494

Ikinasal na ang Kapuso artist na si Rich Asuncion sa boyfriend niyang rugby player na si Benj Mudie. Naganap ang kasalan sa Hong Kong kahapon, Lunes.

Close friends lang ang dumalo sa kasalan na ginanap sa Hong Kong Marriage Registry gaya nina Sunshine Dizon, Sheena Halili at Glaiza de Castro.

Sa Instagram post ni Sheena, inilabas niya ang mga kuha sa tinawag na hen party ni Rich sa bisperas ng kasal. Nagsimula ito sa isang dinner, then sumakay sa trams at naglakad sa ilang streets sa Hong Kong.

Matatandaang nu’ng on-going pa ang series na Ika-6 Na Utos kung saan lumabas na best friend ni Sunshine si Rich, sa set naganap ang proposal sa kanya ng boyfriend. 

Account ni Mae Paner binasura ng FB admin

Deactivated na ang Facebook account ng isa sa kritiko ni President Rody Dueterte, si Mae Paner o kilala ring si Juana Change!

Inanunsyo mismo ito ni Mae sa kanyang Twitter account habang may screen shot ng pinost niyang shout out sa FB bilang banat sa komento ni P-Digong sa mga babae.

Nang tanungin siya ng isang netizen kung nasa FB ba siya, reply niya, “It was deactivated by @facebook.”

Sa screen shot ng post niya, may salitang p ____roon bilang parte ng kanyang katawan bukod sa tainga, puso at atay. “At ako ay  babaeng may p___.”

Juana Change should know better kung ano dapat at hindi dapat na pinu-post sa social media.  (Jun Nardo)

 ‘Patola’ ni Maine nambulabog sa Twitter

Nasabik ang mga fan ni Maine Mendoza na muli siyang mapanood na umaarte kaya naman hindi pa man umeere ang episode niya kahapon sa Daig Kayo ng Lola Ko, ang Laura Patola (yes, pinalitan ang unang salita na butangera!), nagsimula na itong mag-trending sa Twitter.

Humamig agad ito ng 1 million tweets bago umere ang episode, huh! Patunay lang na siya talaga ang number one female celebrity sa Twitter, huh!

Nagpasalamat naman si Meng sa kanyang mga follower sa suportang ipinamalas nila via Twitter.

“Grrrrabe naman hindi pa nagsisimula yung show naka 1M tweets na! Nakakaloka kayo! Salamat guys! Ayan na five minutes nalang, Daig Kayo ng Lola Ko na! #MaineAsLauraPatola.”