Una sa Balita

Rich Asuncion madalas malungkot dahil sa anak

0 403

Matagal ding napahinga si Rich Asuncion sa paglabas sa teleserye simula noong maging isang mommy siya sa anak nila ng mister niyang si Benjamin Mudie. Lumabas naman siya sa dalawang teleserye, pero short lang daw ang paglabas niya sa mga iyon dahil naging priority niya ang alagaan ang baby nila ni Ben na si Bela. Masayang kinuwento ni Rich ang joys of being a mother.

“Sobrang happy pa rin po and sobrang likot na niya ngayon kaya ang hirap. Pero magwa-one year old na siya and I feel very emotional kasi parang last year lang, kakapanganak mo lang.

“Tapos biglang ngayon may ‘little human’ ka na. ‘Yun ang tawag namin sa kanya ni Ben kasi kumakain na siya kasabay namin, nanonood na siya ng TV.

“Sobrang saya. Sobrang walang kapantay na saya na magkaroon ng anak,” ngiti ni Rich.

Nagtutulungan daw silang mag-asawa sa pag-alaga kay Bela.

“Actually mas hands on nga si Benj kasi mas malapit ‘yung work niya sa bahay. Ako ‘pag nasa taping ako, talagang naiiwan ko siya.

“May help din naman kami so okay lang. Pero we try our best na ‘pag nasa bahay kami, kami lang,” sabi ni Rich. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy