Una sa Balita

Rice tariffication ni Salceda, delubyo sa mga magsasaka

By
0 139

NANGYARI na ang kinatatakutan ng isang mambabatas sa paspasang pagpapatibay ng panukalang batas sa rice tariffication.

Ito’y matapos na aprubahan kahapon ng Kamara sa ikatlo at hu­ling pagbasa ang House Bill 7735 o ang ‘Revised Agricultural Tariffication Act’.

Sa isinagawang botohan, 200 ang pu­mabor, 7 ang kontra at 2 ang nag-abstain sa panukala.

Noong Hulyo 31 lamang pinulong ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang mga economic manager ng Duterte administration kung paano mapapababa ang inflation o mataas na presyo ng bilihin at isa sa napag-usapan ay ang rice tariffication.

Kasama sa pulong si Albay Rep. Joey Salceda, isa sa paboritong ekonomista ni Arroyo, at kabilang sa nagsusulong ng panukala.

Hangarin ng panukala na tanggalin ang ‘quantitative import restriction’ sa bigas at patawan na lamang ng taripa ang mga inaangkat na bigas.

Ngunit ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao, maraming magsasaka sa bansa ang tatamaan ng mala-delubyong epekto ng rice tariffication lalo na sa distrito ni Salceda na maraming taniman ng palay.

“I’m not a privy to the projects or prog­rams of Congressman Salceda in his district. But one thing is for sure his strong advocacy in pushing for the… implementation of rice tariffication bill will be a calamity to the farmers, in which sa distrito niya marami,” paghahayag ni Casilao sa panayam ng Abante.

Nasisiguro ng Anakpawis solon na magi­ging isyu ito pagsapit ng eleksiyon sa 2019.

“Tiyak po na it will be an election issue. If Congressman Salceda’s future plans in his district might as well consider the negative effect on the impacts on the farmers,” giit ni Casilao.