Una sa Balita

Rice Tariffication ipatupad nang tama – Gloria

By
0 467

KASUNOD ng pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Rice Tariffication Act, nananawagan si Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na ipatupad nang tama ang bagong batas.

Sa ganitong paraan aniya ang lahat ay makikinabang.

“Now we can focus on its proper implementation so that everyone can and should benefit from the law,” pahayag ni Arroyo.

Naniniwala ang pinuno ng Kamara na malaki ang maitutulong nito para maibsan ang inflation.

“It will further help in easing the inflation which has hit the poor the most,” dagdag ni Arroyo.

Alinsunod sa Rice Tariffication Act, tatanggalin ang restriksyon sa pag-aangkat ng bigas.

Inaamyendahan nito ang Republic Act (RA) No. 8178 o ang Agricultu­ral Tariffication Act of 1996 para alisin ang quantitative restriction (QR) sa ­importasyon ng bigas.

Inaasahan din na matutulungan ang mga magsasaka ng palay dahil ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) sa ilalim ng rice tariffication ay may 10% mula sa P10 bilyong alokasyon o P1B.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy