Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rice smuggler, abusadong mga rice trader durugin

0 104

Nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go sa mga awtoridad na durugin na ang rice smuggling at kalusin na ang mga rice traders sa kanilang pang-aabuso na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga magsasakang Filipino.

“Dagdag na problema ng ating mga magsasaka ang pananamantala ng ilang malalaking rice trader at rice importer,” ayon kay Go.

Tinukoy ni Go ang kooperatiba sa Tarlac na umano’y sangkot sa rice smuggling.

Una nang inatasan ni Go, ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang uĺat at papanagutin ang mapapatunayang sangkot sa pagpupuslit ng bigas .

“Mas paigtingin pa natin ang pangangasiwa ng mga kooperatiba upang hindi na magkaroon ng ganitong klase ng katiwalian. Huwag po nating hayaang tuluyang maghirap ang ating magsasaka. Tuluy-tuloy po ang kampanya natin laban sa korapsyon at kasama dyan ang smuggling,” dagdag ni Go.

Ipinaalala rin ni Go noong 2013 nang ipatawag ng Senado si dating Davao Mayor at ngayon Presidente Rodrigo Duterte sa pagdinig ng Senado kaugnay sa isyu ng rice smuggling kung saan siya ay kasama pa nito.

Sinabi umano ni Duterte na talagang tutuluyan niya ang rice smugglers.(Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.