Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rice cooker pwedeng panglinis ng N95 mask – study

0 464

Maaari umanong ma-sanitize ang N95 mask gamit ang rice cooker ayon sa isang pag-aaral na ginawa ng University of Illinois.

Batay sa mga mananaliksik, ang isang cooking cycle sa electric rice cooker ay makakayang makapag-decontaminate ng apat na klase ng virus sa nasabing mask, kabilang ang coronavirus. Kailangan lang na i-apply ang 50 minutong dry heat sa mask at matatanggal na nito ang virus habang napananatili ang filtration.

Sa prosesong ito, ligtas na umano na muling gamitin ang N95 kahit pa para lang ito sa isang beses na paggamit. Ang uri ng mask na ito rin ang sinasabing pinakaepektibong paraan para mapigil ang paggamit ng COVID-19 droplet.

Para maging epektibo ang pag-sanitize ng N95 mask gamit ang ganitong paraan, kailangan lang na maglagay ng towel sa loob ng cooker bago ilagay ang mask para hindi direktang lumapat sa mask ang init na magmumula sa cooker.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.