Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rica pinayuhan si Heaven sa ‘ayuda’ isyu

0 223

Bukod pala sa niece ni Rica Peralejo ang controversial young actress na si Heaven Peralejo, inaanak din ito ng former “T.G.I.S.” teen star of the 90’s.

Sa chat namin ni Rica via Facebook Messenger, tinanong ko sa kanya si Heaven.

“Actually, inaanak ko rin siya, kaya niece ko na siya, ninang pa niya ako.

“Mabait na bata ‘yan. Pareho sila ng Mommy niya, sweet,” sabi ni Rica.

So, naloka ba siya na naintrigang nanghingi ng ayuda kay Sen. Manny Pacquiao si Heaven, pero na-clear na naman ang issue na ‘yon dahil sinabi na ni Jinkee Pacquiao na hindi nanghingi sa kanila ang young actress at wala rin naman silang ibinigay rito?

“Hindi ako naloka. Kasi hindi ko naman alam ang issue na ‘yan. Actually, sa‘yo ko lang narinig. Hindi ko naman siya nakakausap sa mga issue,” sabi ni Rica.

Pero bilang auntie at ninang ni Heaven at nauna naman siya sa showbiz, ano ang puwede niyang mai-advice rito tungkol sa showbiz intrigues na matindi rin naman niyang pinagdaanan noong very active pa siya sa showbiz?

“Hmmm, ano ba? If it affects her, she must be honest (na ilabas niya ang saloobin niya about an issue). That is something (issues and intrigues) that comes with being public.

“But I think that as she gets older in this business, she will also get used to it, if she isn’t yet!

“Sooner or later she’ll learn to just smile this off and understand that her worth and the truth are not dependent on what others say but on who she really is when no one is looking.

“That is more than enough to have peace even when some people are trying to attack her!” advice pa ni Rica kay Heaven.

Pero nakatutuwa rin naman na maging si Manay Lolit Solis na isa sa mga nagsulat ng tungkol sa “ayuda” issue kay Heaven ay nag-sorry na rin sa young actress, kaya puwede na ring ibaon sa limot ang intrigang ‘yon, huh!

At least, nalinis na rin naman ang pangalan ni Heaven sa bagay na ‘yon!

***

Vina masaya sa ‘balikan’ kay Binoe

Noong isang araw naman ay nakapalitan ko ng text message si Vina Morales. Kumustahan lang at ok naman daw siya.

Tinanong ko rin siya kung tuloy na tuloy ba ang musical sitcom nila sa Net25 ng ex-boyfriend na si Robin Padilla?

“Yes, tuloy siya. It’s about the lives of the OFWs. Sa September 27, 6:30PM na ang pilot namin. Every Sunday siya, pero may replay kapag Saturday, 9:30AM.

“Malapit na kami mag-taping. Bale may (COVID-19) swab test kami, pero uwian naman kami. Hindi lock-in taping kasi once a week lang kami.

“Ang alam ko sa lock-in, mga teleserye,” sabi ni Vina.

Palagi raw may swab test at may health and safety protocols na ipapatupad sa taping nila dahil may sariling hospital din ang Net25 ng INC (Iglesia Ni Cristo).

Kasama nga pala nila sa “Kesaya-saya” musical sitcom nila si Pilita Corrales.

Mukhang wala namang magiging intriga kina Vina at Robin kahit mag-ex at magkatrabaho sila ngayon dahil friends naman sila at friend din ng singer/actress ang misis ng action star, si Mariel Rodriguez.

Maganda lang kina Vina at Robin, ang past ay past at kaya nilang mag-work together!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.