Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ria takam sa paluan

0 198

SABIK nang humambalos para sa Cignal HD Spikers si 2021 Premier Volleyball League Open Conference Best Middle Blocker Ria Meneses.

Ayon kay Meneses, huling umaksiyon kasama ang Petro Gazz Angels, excited ito sa kanyang paglipat dahil sa mga bagong matututunan kasama ang kanyang bagong team.

“Kasi bagong team, so bagong set ng coaching staff, bagong set din ng mga teammates, so every time naman na mapupunta ako sa bagong team, siyempre nakaka-excite kasi matututo ka ulit ng bago,” sey ni Meneses sa “The Game” ng One Sports.

Aniya, sa paglipat ng koponan, swak ito sa nakalinyang mga plano ng HD Spikers kabilang na ang puntiryang pagtungtong sa finals, tumapos ng 10th place ang Cignal sa nagdaang Open Conference. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.