Una sa Balita

Ria idinawit sa ‘hiwalayan’ nina Kathryn, Daniel

By
0 1,744

Yes, nagulat ang KathNiel fans nang ma-notice nila na wala na sa list of followers ni Kathryn Bernardo, na umabot na sa mahigit pitong ­milyon, ang pangalan ni Daniel Padilla.

Nagtatanong sila ngayon kung in-unfollow ba ni DJ ang kanyang dyowa sa IG account nito?

Pero, sa account naman ni Kath ay naka-follow pa rin naman ito sa Kapamilya actor.

Bakit nga ba wala na si DJ sa listahan ng nagpa-follow kay Kath?

Malaking palaisipan ito sa kanila, pero wala pa namang statement na nagmumula kay DJ. Kung sinadya ba niya ito o kusang ginawa.

May tampuhan bang nagaganap sa magdyowa na papuntang pitong taon na ang relasyon o aksidente ­lamang na na-unfollow niya si Kath?

For sure naman, may paliwanag tungkol dito sa mga ­susunod na araw, noh!

Siyempre, para sa karamihan, imposible ito lalo na’t superhappy pa ang dalawa matapos magbakasyon sa Japan together.

Natsismis na ngang du’n nag-propose ng engagement ang aktor, na pinabulaanan naman nila, so walang dahilan para magkaroon kaagad ng hindi magandang ganap sa relasyon ng dalawa. Kaya, wait na lang sila kung ano ang paliwanag tungkol dito, huh!

Pero sa latest Instagram post ng nanay ni Kathryn na si Mommy Min, makikita naman na nila-like ito ng nanay naman ni Daniel na si Karla Estrada. So, ano ba talaga?

Pero teka lang, subukan ninyong basahin ang lahat ng mga mensahe sa Instagram nina Kathryn at Daniel, magugulat na lang kayo na biglang-bigla, sinisisi si Ria Atayde, ha! Feeling ng ibang mga fan, kesyo nagbago raw ang ugali ni Kathryn nu’ng naging kaibigan nito si Ria!

Ha, eh, ang bait na tao ni Ria, ‘di ba? At siguro naman walang masama kung maging magkaibigan sila.

Anyway, tama nga dahil sa hu­ling Instagram story ni Kathryn, si Ria ang laman, ha! Itsura nu’ng parang ini-stalk niya si Ria na bini-video-han niya at tawa nang tawa. Eh, wala namang masama dahil magkaibigan naman sila, ‘di ba?

Pero ‘yun nga, saan ba galing ang galit na ‘yon ng ibang mga fan, at sinisisi si Ria sa ‘hiwalayan’ daw nina Kathryn at Daniel. Pero please lang, hindi pa nga kayo sure kung hiwalay na ang da­lawa. Wala pa silang statement, noh! At parang sa tingin ko, okey na okey pa rin naman sila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy