Una sa Balita

Ria Atayde super proud sa flat boobs niya

0 456

Tawa lang ang isinagot ni Ria Atayde sa mga nang-body shame sa kanya sa Instagram. Sa latest Instagram photo kasi ni Ria, makikitang nakalabas ang isang boobs niya, pero natatakpan naman ng bra siyempre, na ang sabi nga niya ay bodysuit.

May nagsabi nga na kesyo mataba si Ria, at kesyo flat din nga raw ang dibdib nito. Pero, sa halip na mapikon, tinawanan lang sila ni Ria.

“TY 2001 Britney for the inspiration. (PS: it’s a bodysuit. Not a bra hahaha) #MYXMusicAwards2019,” sabi ni Ria.

Mas naapektuhan pa nga ang mga nagmamahal kay Ria na mga fan niya, at sila talaga ang rumesbak sa nanlait sa idolo nila.

12_stranger, “She is beautiful in her own way, stop body shaming please.”

danielladcm, “Yesss ate ria, ganda ganda mo talaga queen ko sana ako nalang po ikaw kasi you know you look so pretty, gorgeous, and you are very lovely to your sibling, baket ate hindi ka po mag-apply ng Miss Universe, tutal ang ganda umaabot sa universe pak na pak lodi namin yan.” (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy