Una sa Balita

Rhys Eugenio ‘banta’ kina James, Enrique

0 842

Nag-guest kama­kailan sa “Tonight With Boy Abunda” ang Sportisoy Heartthrob ng Tarlac na si Rhys Euge­nio, na mula sa unang batch ng housemates ng “PBB Otso”.

Isa sa mga pinagawa ni Tito Boy kay Rhys ay ang paggaya ng mga pose ng ilan sa mga hottest matinee idol ngayon na sina Enrique Gil at James Reid, na akala ng ilang mga tao ay kapatid niya.

Grabe! Kuhang-kuha ni Rhys ang heartthrob look ng dalawa. Nandoon ang expressive na mga mata na tiyak ikatutunaw ng mga tagahanga niya at siyempre ang winning smile na nakakahalina at nakakagaan ng loob.

Naku, malaking threat nga si Rhys kina James at Enrique, ha! Mabig­yan lang ng tamang exposure, siguradong bobongga ang career nito.

Nakakatawang kuwento pa ni Rhys, hindi raw siya sigurado kung may girlfriend siya nga­yon dahil naudlot ang kanyang umuusbong na relasyon sa isang hindi pinangalanang babae nang pumasok siya sa bahay ni Kuya.

Dahil sa kanyang rebelasyon, pinapili siya ng King of Talk kung sino ang pipiliin ni Rhys, ang anonymous girl na ikinuwento niya o ang nakasama sa bahay ni Kuya na aminado siyang gusto niya na si Kaori Oinuma.

Simpleng sagot ni Rhys, “Hindi ko po alam. Hopefully, get to know Kaori better.” (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy