Una sa Balita

Rhian suportado ng mga fan na murahin ang senador

By
0 911

Sino ba ang pinatutungkulan ni Rhian Ramos na senador na ‘kamura-mura’ o dapat murahin?

Tanong na tweet ni Rhian: ‘Is it against the law to cuss at a senator?­ I don’t plan to… I’m legit just wondering.’

Siyempre, super suporta ang mga Twitter followers ni Rhian, na hindi against the law na murahin ang isang senador. May mga nagsabi pa na ang mga politiko ay mas maraming against the law na pinaggagawa.

Hindi nagbanggit ng pangalan si Rhian, at ang karamihan sa Twitter follower niya ay hindi rin nag-mention ng name, pero may mga pahapyaw na sila sa kung sino ang tinutukoy nila.

Sabi ni @choicesaretaken, ‘You just kinda did.’

Na sinagot ni Rhian na, ‘You can’t prove it, I’ll deny it.’

Hanggang sa binanggit na nga ni @lezeldevilla, na ang sabi nga niya, ‘I hope it won’t be towards Senator Sotto. Because he made significant amendments in the Cyber Crime law because of you and other women like you who are victims of video scandals.’

Walang sagot si Rhian dito. Pero karamihan sa mga nag-comment, o halos lahat­ ng nag-comment, pinu-push si Rhian na murahin ang kung sino mang senador na ‘yon.

Kaloka!