Una sa Balita

Rhian sugatan pa rin sa hiwalayan kay Jason

By
0 5,991

Kinumpirma ni Rhian Ramos na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend of three years and a half na si Jason Choachuy. Katulad ni Jolo Revilla, hindi rin siya nagbigay ng detalye sa hiwalayang ‘yun dahil fresh pa raw sa kanya ang sugat, hindi pa niya kayang pag-usapan ito, pero darating din daw ang panahon na makakaya na niya itong i-discuss.

Ayon pa sa kanya, na blooming sa kanyang pagdalo sa The 2nd Eddy­s Awards Night ng SPEEd, ay wala namang scandalous o sobrang big deal sa kanilang paghihiwalay, pero may mga bagay lamang daw talagang naging daan upang sumapit sa ganito ang kanilang matagal na relasyon.

Gusto raw niyang mag-concentrate sa kanyang sarili ngayong break na sila at kung ano man ‘yung mga plano for herself na hindi niya nagawa, this time ay pipilitin na niyang matupad ito.

Kung willing na ba siyang umibig muli? Ang sagot niya ay hindi pa dahil nasa transitional period pa raw siya at mahal pa rin niya si Jason.

Brave girl nga si Rhian dahil hindi man lang mahalata na may pinagdadaanan ito dahil lagi pa rin siyang nakangiti at very sociable pa rin sa harap ng maraming tao.

Korek!