Una sa Balita

Rhian Palaban sa karapatan ng kababaihan

By
0 165

Noon pa man, palaban na si Rhian Ramos sa laban ng kababaihan. Tipong hindi­ mananahimik at lalaban talaga para sa karapatan ng kababaihan.
Ang smart ni Rhian, reaksiyon ng mga nakapanood ng Abante Online show namin ni Rey Pumaloy, ang Abantelliling, na ang dalaga nga ang guest namin.
Chikahan tungkol sa pambabastos, hanggang sa pakikipag­relasyon ay nasagot nga ni Rhian.
Isang hakbang nga sa paglaban ay ang mag-aral daw ng martial arts.
“I think magiging helpful siya, kasi personally, for me, and all of my friends na girls, wala pa akong kilala na isang babae na hindi pa nasi-sexually harassed, kahit verbally. And alam mo naman how far people will go. So maganda na rin na kaya mo ipagtanggol ang sarili mo,” sabi ni Rhian.
“Mag-martial arts ka para maipagtanggol mo ang sarili
mo sa mga bastos.”
Hindi nga raw dapat maging basehan ang mga isinusuot ng kababaihan, para maging sentro ng pambabastos.
“Kahit na ano ang suot ng babae, kahit ano ang itsura mo that day, may mga kakilala ako na nag­lalakad lang, binabastos na sila. So maganda kung mag-aral ka ng martial arts para mapagtanggol mo sarili mo.”
Pambabastos na nga ngayon ang sipol, isang bagay na hindi raw dapat ginagawa ng mga lalake sa kahit sinong babae.
“Oo pambabastos ‘yon, kasi alam ko ang totoong compliment sa hindi. Mararamdman ko ‘yon. Kapag ginagawa kang object, or gusto lang niyang sabihin na, ‘you look beautiful today’.”
So, paano ba dapat i-handle ng isang babae ang mga ganung sitwasyon? Lalo na sa kaso ni Rhian, na hindi lang sipol ang naranasan, kundi ang malamutak na ang puwet niya nang wala siyang pahintulot.
“4 times na, na walang permission talaga, na hinawakan ako that way. Na every time pagkatapos mang­yari, magagalit ka, iisipin mo bigla kasalanan mo ba, may suot ka bang mali or whatever?
“Noon nga na nangyari ‘yon sa akin (binastos ng lalake, na tipong nilamutak ang kanyang puwet), pina­daan ko talaga siya sa butas ng karayom at pinatawad ko rin siya, nag-sorry rin naman siya.
“So, if anyone tries to attempt in the future na bastusin ako, gusto ko lang malaman niyo na may 2 action movies ako, na isa na akong action star. Ipapakita ko sa inyo ang aking mga moves. Isulat niyo yan, I don’t care. Hahahaha!” sabi ni Rhian.

 

Rhian nag-enjoy sa bugbugan sa 3 lalake

Bida nga si Rhian sa pelikulang The Trigonal, kasama si Ian Ignacio, at Cong. Monsour del Rosario. At isa nga raw ito sa pinakanakakapagod na pelikulang ginagawa niya.
“May isa akong mahabang fight scene na ikina-proud ko talaga kasi ang daming tumulong sa akin para magawa ko siya ng tama. At malaki ang tiwala ko sa kanila.
Nag-training ako doon na mismo sa Bacolod, doon kami nag-shooting.
“Sina Cong. Monsour del Rosario at Sarah Chang ang mga tumulong sa akin. Lahat ng kasama ko sa movie,­ champion o nagku-compete sa mga martial arts.
“Ang favorite scene ko talaga ay yung mag-isa lang ako doon, tapos papasok ang mga goons, tapos malaking fight scene na ‘yon. Halo-halong martial arts. Ang kalaban ko rito ay tatlong lalake, ha!” kuwento ni Rhian.

 

Love siya ni Vice Gov. Jolo? ‘I felt very beautiful sa set’

Kasama rin si Rhian sa Tres, bilang leading lady naman ni Vice-Gov. Jolo Revilla, sa episode na 72 Hours.
“Three part action anthology ito. From Imus Productions, na isa sila sa bumuhay ng action industry sa Phili­ppines noon. Mga anak ni Sen. Bong Revilla ang mga bida, sina Bryan, Luigi at Jolo.
“Sa episode ako ni Jolo witch is 72 Hours nga. Tungkol ito sa drug bust, at isa akong member ng PDEA na kasama sa mga huhuli sa mga drug lord. Iba naman ito kasi barilan naman.
“Sobrang daming explosions dito na pagdating mo pa lang makakaamoy ka na agad ng gun powder. Hindi naman ako takot sa guns, kasi wala naman akong na-experience na negative. Na-enjoy ko ang shooting namin.
“Si Jolo mismo ang nagturo sa akin na bumaril. I think nagku-compete rin siya.”
Puwede ba siyang ma- in love kay Jolo?
“Si Jolo, sa set nakikita ko kung gaano siya kamaasikaso sa lahat. He’s always making sure na busog lahat. Ang sarap ng pagkain namin sa set.
“He’s always making sure na komportable ako. Laging may nakasunod na upuan sa akin, parang may bumubuntot. Parang ganun ang vibe, napaka-gentleman niya sa akin.”
Baka panliligaw na ‘yon sa kanya?
“Wala akong alam sa ganun. Hindi kasi ako assuming. Hindi ko masabi na humble ako, pero more of mahilig akong i-bring down ang sarili ko na sisi­rain ko ang sarili ko, na hindi walang may type sa iyo.
“Hindi ako nag-assume na may gusto sa akin ang lalake.
“Pero, I felt very beautiful on set, dahil sa first day ko pa lang may giant bouquet of flo­wers. Other than that, wala naman akong na-feel.
“Pero sa tingin ko magiging magandang kabigan siya, kasi comfortable naman ako sa kanya.”