Una sa Balita

RHIAN, NAGSABOG NG ALINDOG SA ICELAND!

By
0 5

Nagsabog ng kanyang alindog ang Kapuso actress na si Rhian Ramos nang nagbakasyon ito sa bansang Iceland. First time na makarating si Rhian sa Iceland at agad-agad ay nagpakaturista ito na nag-pose sa iba’t ibang mga maga­gandang tourist spots ng Iceland.

Pero hindi nagpaawat si Rhian na kahit sobrang lamig sa Iceland, hindi ito naging hadlang nang magpa-sexy ito para masulit ang kanyang ginawang glacial trip.

Napuno ng likes at comments ang mga Instagam posts ni Rhian, lalo na noong isuot niya ang kanyang red bikini kung saan kitang-kita ang pina-tattoo niya sa kanyang kanyang balakang.

“Finally doing what everyone’s been telling me to! Blue ­Lagoon,” caption pa ni Rhian sa kanyang sexy pose sa pamosong Blue Lagoon ng Iceland.

Kinailangan na ring makabalik agad ng Pilipinas si Rhian, pero nangako siyang babalik sa Iceland.

“That’s it for Iceland! Definitely, definitely coming back. For now, just happy to be back home in w­­arm Metro Manila,” ­caption pa niya.

Mga kapwa celebrities ni Rhian ang nag-comment din sa mga sexy photos nito. Kabilang sa mga nag-comment at napahanga ni Rhian ay sina Iza Calzado, Maxene Maga­lona, Diana Zubiri, Chynna Ortaleza and Lovi Poe.