Una sa Balita

Rhian, Lovi, Max feeling sepanx sa pagtatapos ng TOTGA

By
0 4,364

Dahil magtatapos na ang kanilang show sa May 18, madalas na sabihin ng cast ng The One That Got Away na mami-miss nila ang kanilang samahan sa taping. Ngayon pa lang feeling sepanx (separation anxiety) na sila.

In fairness kasi kina Dennis Trillo, Lovi Poe, Rhian Ramos, Max Collins at napakarami pang cast ng nasabing romance-comedy series ng GMA 7, kahit nga marami sila roon, wala ka namang maririnig na intrigahan.

Kahit nga noong una na may ibang mga nang-iintriga na sinasapawan ni Rhian ang iba niyang mga kasama sa The One That Got Away ay wala namang naniwala roon at hindi nga naging issue ‘yon sa kanila.

Para nga raw silang one big happy family (teka, parang sa ABS-CBN mas ugnay ang word na ‘yon) sila sa set kapag nagte-taping.

Pati nga raw during meal time, magkakasama silang kumakain at hindi nagkakanya-kanya. Napupuri nga ang cast ng The One That Got Away dahil para raw silang magbabarkada talaga kapag magkakasama sa taping.

Sabi nga minsan ni Lovi, masaya nga raw sila kapag out-of-town ang location nila lalo na sa beach dahil parang outing lang ‘yon ng cast at hindi talaga trabaho ang dating.