Una sa Balita

Rhian, kinabog sina Liza S. at Pia W. sa ‘Most Beautiful Filipina’ poll!

By ,
0 15

Kinabog ni Rhian Ramos ang mara­ming magagandang Pinay dahil siya ang tinanghal na Most Beautiful Filipina for 2016 ng online entertainment website na Philippine Edition.

Nakakuha ng mahigit na 121,766 votes mula sa mga netizens na bumibisita sa naturang website.

Ito ang ika-4th year ng Phili­ppine Edition na maglabas ng kanilang Most Beautiful Filipina list. Noong 2013, si Kim Chiu ang nanguna. Si Dawn Zulueta naman ang nanalo noong 2014 at 2015.

Tinalo nga ng bida ng GMA teleserye na Sinungaling Mong Puso ang kapwa Kapuso artist niya na sina Glaiza de Castro (3rd); Julie Anne San Jose (7th) at Ryza Cenon (13th).

Maging ang mga Kapamilya stars na sina Kim Chiu (2nd); Liza Soberano (4th); Jane Oineza (5th); KC Concepcion (8th); Sarah Geronimo (11th); at Julia Barretto (8th) ay nalamangan nang husto ni Rhian.

Kasama pa sa Top 15 ay sina Donna Cruz (6th); Alessandra de Rossi (9th); Kristine Hermosa (10th); Miss Universe Pia Wurtzbach (14th) at Ritz Azul (15th).

Claudine, negatibo sa Cocaine, Ecstasy,
Morphine, Opium at Shabu!

Claudine Barretto
Claudine Barretto

“Siguro naman, matatapos na ang pagdududa nila kay Claudine!” sabi ng isang taong malapit sa aktres.

Kahapon nga kasi ay ipinagmalaki ng naturang kaibigan ni Claudine Barretto ang resulta ng drug test nito. Gusto nga nilang patunayan sa mga kritiko ni Claudine na mali ang akusasyon nila, na kesyo nagdudroga ang aktres.

Nakalagay nga sa resulta sa kapirasong papel na may ‘letterhead’ na Department of Health Hi-Precision Diagnostics, na kalakip pa ang picture ni Claudine, na negatibo nga ang aktres sa mga droga na tulad ng Cocaine, Ecstasy, Metamphetamine (Shabu), Morphine, Opium, at marami pang iba.

Nakalagay rin ang pangalan ng Viva Films bilang requesting parties. Nung September 6 lang nagpa-drug test si Claudine.