Una sa Balita

Rhian Kapamilya na?

0 3,403

Nagulat kami nang makasalubong namin si Rhian Ramos sa ABS-CBN. Ang alam kasi namin, nasa New York si Rhian at nag-aaral ng Comedy Impromptu.

‘Yun pala, umuwi raw siya ng Pilipinas for a few weeks. Hindi raw kasi kaya na dire-diretso siyang mag-stay sa U.S. May ilang commitments din daw siyang kailangang gawin sa ‘Pinas.

So, maybe kasama rito ang ilang guesting niya dahil nakita namin sa Instagram niya ang guesting niya sa “Sunday PinaSaya” at kaya raw siya nasa ABS-CBN, for “MYX.”

Babalik din daw siya ng New York at the end of the month and most likely, ang uwi na niya ay May. Three study plan daw ang kinuha niya kaya mas nagtagal siya sa planong three months lang sana.

Mukhang very happy si Rhian sa pag-i-stay niya sa America na mag-isa at siya mismo ang nagsabing she’s really enjoying.

By June pa raw siguro siya talagang magka-comeback ng totohanan na sa showbiz.

Sayang at hindi namin naitanong if she’ll remain a Kapuso or ‘di kaya pagbabalik niya, ibang tahanan na ang babalikan niya?

Jo Berry super pakipot kay Wendell

Ilang linggo na lang pala ay magtatapos na rin ang isa sa masasabing eksperimento at first ng Kapuso network, pero matagumpay na nakapasa sa panlasa ng manonood, ang “Onanay.”

Maipagmamalaki ng serye na tatlo halos ang nakatapat nilang serye, pero sila ay nananatili pa ring matatag. Ayaw mang gamitin na sa ngayon ang terminong extension, pero maitatanggi ba na talagang humaba na ito nang humaba pero hindi binitawan ng mga manonood?

Given na nga ang isa sa cast na si Rochelle Pangilinan na nang magsi­mula dito, wala pang ideya na buntis siya, hayan at naipanganak na ang first baby nila ni Arthur Solinap na si Shiloh Jayne.

At heto na nga, nakabuo ng bagong loveteam ang Kapuso network with Jo Berry and Wendell Ramos. Imagine?! At kahit si Wendell nang makausap namin e, masaya sa nangyayari. Natutuwa ito sa natatanggap daw niyang mga feedback at response ng mga tao kung paano, kinikilig sa kanilang dalawa ni Jo.

Sa mga gabi-gabing sumusubaybay rito, siguradong alam nila ang mga kaganapan. Aba, pakipot pa talaga si Jo na tanggapin ang marriage proposal ni Wendell, huh!

“Haba ng haiiirrr!” ang isa sa nabasa naming comment ng netizen patungkol kay Jo na obviously, kinikilig din sa tambalang LuNay (Lucas at Onanay!).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy