Una sa Balita

Rhian, Jason kasal malabo pa

By
0 5,264

Mahigit tatlong taon na rin ang relasyon ni Rhian Ramos sa non-showbiz boyfriend niyang si Jason Choachuy kaya marami ang nangungulit sa kanya kung ito na ba talaga ang lalaking pakakasalan niya o yung tinatawag nating ‘The One’.

Kung sa pagiging ‘The One’ ay mukhang sigurado na ang Kapuso actress, pero ‘yung usapan tungkol sa pag-aasawa ay tila malayo pa sa kanyang plano kahit paminsan-minsan ay napag-uusapan nila ito ng kanyang dyowa.

Ang importante raw ay pareho nilang mahal ang isa’t isa at marami na rin silang pinagdaanan para lalo pang maging solido ang kanilang relasyon.

Close na close na rin daw si Jason sa kanyang pamilya at sa mga out-of-town and out-of-the-country travels nila ay mas lalo pa nga raw niya itong nakikilala.

Ang isang bagay pa na kanyang ipinagmamalaki ay ang pagiging private person nito na hindi nakikipag-agawan sa kanya sa limelight, kaya nga wala silang gaanong pino-post na pics sa social media. 

Aga, Edgar Allan, Sid, Mary Joy nanguna sa The Eddys’ Nominees Night

Samantala, kapuri-puri ang pagho-host ni Rhian sa katatapos pa lang na The 2nd Eddys’ Nominees Night dahil sinolo niya talaga ito at walang paysung, huh?

All for the love nga para sa editors na bumubuo ng SPEED ang ginawa ni Rhian pati na ang pagdalo ng ilang artistang nominado sa kabila ng kanilang schedules.

Nakakatuwa rin na pati ang pag-interview namin sa kanya sa sikat na booth ng Wish Bus ng Wish 107.5 na siyang in charge sa production ng nasabing award’s night na ito ay kanya ring pinagbigyan.

Kudos din kay kina Aga Muhlach, Sid Lucero, Edgar Allan Guzman, Mary Joy Apostol, at iba pang nominees na dumalo.

Bongga rin ang performances nina Dessa at Katrina ‘Suklay Diva’ at Hazel Faith sa kanilang intermission number.