Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rhian ‘di nagpatumba sa virus

0 35

Balita nga na maraming artista ngayon ang hindi nakaligtas, kahit sabihin pa na sobrang ingat nila o nasa lock-in taping naman sila, na nahahawaan pa rin ng COVID-19.

At kadalasan, niri-reveal nila ito kapag nakaligtas na sila, natapos na sila sa medication, isolation at nag-negative na ang swab test nila.

Kaya pala may Instagram post si Rhian noong Holy Week na nagtatanong ito kung anong araw na, hindi na raw niya kasi alam. ‘Yun pala, naka-isolate na ito ng ilang Linggo.

At noong Miyerkules, masaya niyang ibinalita na okay na siya at ang kanyang road manager, na negative na sila from COVID-19.

“We’re out of the woods.

“The past few weeks have been harrowing at times, but I’m not really here to scare anyone, just sharing how grateful I am for life, health, love, and friendship. Thank you to everyone who sent us encouragement and help through this experience. It meant the world to us and I’ll always remember how much you’ve blessed us… (you know who you are).
“Praying for you all out there. Stay safe…” sabi ni Rhian.

KC mahal ng mga anak ni Gabby

Kung noong isang taon na ECQ ay mag-isa si KC Concepcion sa kanyang bahay at kunsaan, mag-isa rin siya halos nag-celebrate ng kanyang birthday, this year, mukhang sinigurado nito na hindi na mauulit ang same scenario.

Kasabay ng ECQ at Mahal na Araw, todo nga ang bonding ni KC with her family on her Dad’s side. Kasama ni KC ang ama nito na si Gabby Concepcion, Misis ni Gabby at dalawa niyang mga nakababatang kapatid na babae.

36th birthday ni KC noong April 7 at mukhang single nga talaga ito ngayon dahil sa halip na ang kanyang special someone ang kasama sa kanyang special day, mas pinili nito to be with her Dad and her siblings.

At mukhang ibang happiness naman din ang na-experience at baon ni KC ngayon na ang mga ito ang nakasama niya sa kanyang birthday sa Lobo, Batangas. Sabi nga niya, “Cool, calm, casual. How we celebrated my birthday. Truly grateful for this family time together. No frills, just love.”

Ibinahagi rin niya ang ginawang drawing at letter sa kanya ng kapatid na si Samantha na base sa sulat nito, ramdam na masayang-masaya rin na naka-bond ang ate nila.

At siyempre, sa lahat ng ito, ang pinaka-masaya at very proud ay ang ama nila na si Gabby.

Julie gusto nang magkadyowa

Nahiritan ng mga fan si Julie Anne San Jose dahil sa kanyang tweet.

Ni-retweet kasi ni Julie ang horoscope ng Taurus na ang nakasaad, ‘Matuto ka maghintay kasi matagal-tagal pa yung inaantay mo.” At saka ito nag-caption nang, “Sanggol ata ung inaantay ko.”

Hayun, ang daming natawa sa tweet niya kaya umani siya ng iba’t ibang comments. Merong, “naku, naiinip na!”

Pero ang kapansin-pansin, ang pagsi-ship talaga sa kanila ni David Licauco na first time niyang makakatambal sa “Heartful Café.”

May mga nagre-reply kay Julie at sinasabing, “baka si @davidlicauco na yung iniintay mo.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.