Rhian bongga ang iyak habang sumasayaw

Ricky bading na bading

By

Natuwa kami nang makita namin na marami ang nanonood ng 12, ang pelikula nina Alessandra de Rossi at Ivan Padilla na tungkol sa masalimuot na relasyon ng dalawang tao na nakatakdang maghiwalay.

May mga kaibigan­ kami na pinanood ang 12 at nakita nila ang sarili­ sa mga karakter na ginampa­nan nina Alessandra at Ivan.

Hopefully, nakatulong ang pelikula para ma-realize nila ang mga pagkukulang para hindi humantong sa hiwalayan ang kanilang mga relasyon.

Uso ngayon ang mga pelikula na nakasentro lamang sa dalawang karakter ang kuwento dahil sa box office success ng Kita Kita.

Highly recommended namin sa lahat ang Fallback, ang pelikula nina Rhian Ramos at Zanjoe Marudo na magbubukas ngayon sa cinemas nationwide.

Isang feel good movie na mula sa panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana ang Fallback.

Nang magkaroon ng presscon ang pelikula, hindi masyadong naipaliwanag ng mga artista at ng direktor ang plot kaya medyo nag-alinlangan ang entertainment press na baka hindi mag-click sa Filipino audience ang Fallback na tungkol sa pagkakaroon ng fallback o reserba na boyfriend ng mga kababaihan. 

Inspired ang kuwento ng Fallback sa isang British study na nabasa ni Jason.

Definitely, mas maganda ang Fallback­ kapag pinanood kumpara sa mga paliwanag na aming narinig mula kina Rhian, Zanjoe at Jason.

Mahuhusay ang lahat ng mga artista at engaging ang kuwento ng pelikula.­ Malaki ang posibilidad na magkaroon sina Rhian­ at Zanjoe ng mga ­acting nomination sa susunod na taon dahil sa mga pagganap nila sa Fallback.


Must see ang eksena ni Rhian­ sa isang bar habang nagdadrama at sumasayaw­ siya dahil nadiskubre niya na two-ti­mer ang kanyang boyfriend na si Chris (Daniel Matsunaga).

Stand-out din ang mga performance ni Tetchie Agbayani bilang maunawain at supportive na executive producer at ni Ricky Davao, ang mataray na gay movie director pero may malambot na puso.

Gay na gay si Ricky sa My Korean Jagiya at dahil magaling na aktor, nagawa niya na magkaiba ang atake sa kanyang gay cha­racter sa primetime tele­serye ng GMA 7 at sa Fallback.

Hindi lamang ang relasyon ng lead cha­racters ang mapapanood sa Fallback dahil ipinakita rin dito ang hirap ng mga nagtatrabaho sa movie production, ang stress at dusa na nararanasan ng mga location manager, direktor at movie producer.

Ang Cineko Productions ang producer ng Fallback at ang Star Cine­ma ang magre-release sa mga sinehan ng pelikula nina Rhian at Zanjoe.

SHARE