Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rhenz 50-50 sa Game 2

0 74

Laro ngayon: (FilOil Flying V Centre)
Game 2/Best-of-3 Finals
3:00pm — Letran vs Mapua
(Knights angat, 1-0)

TATAPUSIN o pahahabain?

Ito ang katanungang sasagutin ng defending champion Colegio de San Juan de Letran Knights, kung makukuha na nila ang ika-19 titulo o patuloy na lalaban ang gutom na gutom sa kampeonato na Mapua University Cardinals sa Game 2 ng kanilang best-of-three championship ngayong araw sa 97th National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Haharap ang Letran Knights sa Game 2 na kuwetiyonable ang katayuan ni 2022 Rookie of the year at Most Valuable Player na si Rhenz Abando na patuloy na inaalam kung makakapaglaro sa alas-3:00 ng hapon matapos magtamo ng sprained left ankle sa Game 1.

Umaasa si Letran coach Bonnie Tan na makakapaglaro ang dating UST Tigers transferee ngayong araw upang makuha ang kanilang back-to-back title na magagawa nila sa ikatlong pagkakataon.

Nakuha ni Abando ang naturang injury sa Game 1 nang sunggaban nito ang isang putback sa ika-3:20 ng third quarter at naibaba ang kaliwang paa ng maling anggulo na nagresulta sa pagbitbit rito palabas.

Nagtulong sina Brent Paraiso, Louie Sanggalang, Jeo Ambohot at 2019 Finals MVP Fran Yu para bitbitin ang koponan sa come-from-behind victory noong nakaraang Linggo sa 68-63 laban sa Mapua. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.