Una sa Balita

Rhen Escaño ‘di masikmura ang lampungan kay Cindy Miranda

0 1,357

Todo-bigay sina Cindy Miranda at Rhen Escaño sa paghuhubad, laplapan at pompiyangan sa pelikulang “Adan”.

Mapangahas ang tema ng movie dahil tungkol ito sa pag-iibigan ng dalawang babae, na bihirang mabigyan ng pagkakataong mapanood sa big screen.

Bumagay naman kay Rhen ang character niyang lumaki sa bundok at malayo sa sibilisasyon. Ikinulong siya ng kanyang ama sa liblib na lugar upang hindi matulad sa inang nilayasan sila.

Ang tanging naging kaibigan niya nu’ng bata ay si Cindy na magandang babae pero lesbiyana pala.

Bagay na bagay ang lokasyon ng movie sa character ni Rhen na tigang sa sibilisasyon. Ang galing din ni Bembol Roco bilang protective father niya.

In fairness, pasado ang pag-arte nina Cindy at Rhen. Absorbing ang istorya ni Yam Laranas at pasado ang direksyon ni Roman Perez, Jr.

Sa special screening ng “Adan” ay hindi tinapos ni Rhen ang movie.

“Lumabas ako kanina. Buong-buo kasi ang kaba ko. Sa premiere night ko na lang ibubuhos lahat ng emosyon ko. Hindi ko pinanood,” sey ni Rhen.

Ayon kay Cindy habang pinanonood ang movie, “Nakakapit lang ako sa upuan ko. Grabe! ‘Yun lang!”

Pagdating sa pompiyangan scenes, nag-workshop daw silang dalawa.

“One take lang ‘yung kissing scenes! Lahat ng nakita ninyong kissing scenes, love scenes, hindi po choreographed. Hindi namin pinag-usapan. Kaya lumabas nang natural!

“One take lang ‘yon dahil nagawa namin ang eksena ng isang bagsakan!” pahayag ni Rhen.

Naku, kakaibang ending ang kinahinatnan ng pagmamahalan ng dalawang babae sa “Adan”.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy