Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rhen bet tikman sina Carlo, Paulo, Marco

0 49

Pagkatapos panggigilan at kainisan ng mga viewer ang karakter niyang si Clarice sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” handa nang mag-move on sa bagong project ang 23-year-old actress na si Rhen Escaño.

Nang makakuwentuhan siya ni DJ Jhai Ho sa ABS-CBN online show na “Hotspot,” tinanong ang aktres kung sino ang gusto niyang matikman ang husay sa pag-arte sa harap ng kamera, after niyang maka-partner on-screen si Coco Martin.

“Pwede naman sa akin ‘yong medyo matanda sa akin ng kaunti. Lagi kong sinasagot diyan ‘yung childhood crush ko talaga, si Carlo Aquino, pati ‘yong sa ‘Fan Girl,’ si Paulo Avelino,” chika ni Rhen.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kung papipiliin naman sa mga kasing-edad niya, si Marco Gumabao naman daw ang bet niya dahil nakatrabaho na rin niya ito sa isang horror film.

Madami na ang nakaka-miss kay Rhen bilang si Clarice, isang babaeng patay na patay kay Cardo (Coco) kahit na alam niyang wala siyang pag-asa sa matipunong pulis, kaya hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin sa fans ang biglaang pagkamatay niya sa serye.

Ang mga pelikulang “Adan” at “Untrue” nga pala ang ilan sa mga nagawang proyekto ni Rhen. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.