Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rhen bet pagsabayin sa kama sina Paulo, Carlo

0 22

Walang saplot, o hubo’t hubad na haharap kina Paulo Avelino at Carlo Aquino si Rhen Escaño.

‘Yan ay kung mabibigyan siya ng chance na makatrabaho ang dalawang aktor sa kahit anong film project. At handa rin siyang gawin ang kahit anong klaseng love scene para sa dalawa.

At puwede rin daw niyang pagsabayin ang dalawa sa love scene. Hindi raw siya aatras o titiklop sa mga ganung mainit na eksena kapag ang dalawa ang kasama niya.

Pero ang kundisyon ni Rhen, dapat ay hubo’t hubad din sina Paulo at Carlo sa mga eksena nila.

‘Yan nga ang sinabi ni Rhen sa guesting niya sa Abantelliling (online talk show na mapapanood sa Abante News Online). Inamin nga niya na sina Paulo at Carlo ang pinakapaborito niyang mga aktor sa Pilipinas.

Sobrang bilib si Rhen sa husay ng dalawa sa pag-arte. At mataas daw ang respeto niya sa dalawa, kaya walang problema kahit paghubarin siya.

Anyway, kahit naman sa pelikulang ‘The Other Wife’ ay matindi rin ang love scene nila ni Joem Bascon. Hindi nga siya nagpatalbog sa bida na si Lovi Poe.

Ang tanong ngayon, kaya bang tapatan nina Paulo at Carlo ang hamon ni Rhen? Nagpasilip na ng ‘jun-jun’ (prosthetics?) si Paulo sa pelikulang “Fan Girl”, so magawa na kaya niya ito ngayon sa harap ni Rhen?

Suko sa pandemya:

KZ binibenta bagong bahay

Matindi ang naging epekto ng pandemya sa mag-asawang KZ Tandingan at TJ Monterde. Ang bagong pinagawa nilang bahay sa Quezon City ay for sale na ngayon.

Nakaposte sa Instagram ni KZ ang larawan ng bahay at ang paglalako nito sa mga netizen na binebenta niya ang bagong gawang bahay.

Ayon sa caption, nag-iba ng gusto ang singer at ang kanyang asawa kaya ipinagbibili nila ang kanilang property.

Dagdag pa niya ay naapektuhan talaga sila ng ‘Rona’ (tawag ni KZ sa coronavirus 19).

“We are selling our brand new house! Yes, that is right. We couldn’t believe we’re saying it too. But we are.

“We got the lot around 2019, and the building of our home started a few months after that. We were so excited and looking forward to moving in, but ‘RONA’ happened.

“Construction was put on hold.

“We were devastated because of the delay, but this past year and half made us realized what we really wanted and decided to move farther from the city.

“Construction is finally done, and we are selling our brand new house!” sabi ni KZ.

Nakasaad sa caption ang specs ng bahay pati na ang lot area nito na 146 square meters at floor area na 292.14 square meters.

Inigo nagkandarapa sa binatog

Binaklas ni Iñigo Pascual ang pagiging international music artist para lang sa binatog.

Ang binatog ay street food. Ito ay white corn na niluto sa cream at binudburan ng asin at kinayod na niyog.

Naaliw ang mga netizen sa video post ng business handler ni Iñigo, na humahawak sa karera. Makikita sa video na bumaba ng hagdan sa labas ng upisina ng Cornerstone si Iñigo at tumawid ng kalye papunta sa nagtitinda ng binatog.

“Nakarinig siya ng familiar na kalembang. Nanlaki ang eyes. Akala ko kung napano sya. “Binatog ba yun?”, sabay takbo nang mabilis! Haaay @inigopascual napakyot mo!! #BinatogisLife #InigoBehindCam,” sabi ng handler ni Inigo.

Aliw na aliw ang mga netizen sa ginawa ni Iñigo, na kahit gumagawa ng pangalan sa US music scene, natataranta pa rin ito sa mga Pinoy street food.

Leave A Reply

Your email address will not be published.