Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rhea ninang sa kasal: Maja ‘luluhod’ na kay Rambo

0 853

Handang lumuhod si Maja Salvador sa boyfriend niyang si Rambo Nunez kung ibibigay sa kanya ang singsing ni Rhea Anicoche Tan, owner ng Beautederm.

Sa launching nga ni Maja bilang brand ambassador ng Beautéderm Corporation, ang Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters, inusisa ang aktres kung kailan ba sila magpapakasal ni Rambo.

“Hinihintay ko lang ipama sa akin ni Ma’am Rhea ang door knob na diamond. Pag pinamana niya sa akin ‘yan, ako na ang luluhod kay Rambo! Hahahaha!” sabi ni Maja.

“Pero, nasa tamang edad naman kami ni Bo. Noong nagkabalikan naman kami ni Bo, hindi naman ako naging madamot. Hindi lang detalyado, pero for sure, pag dumating ang time na `yon, malalaman niyo rin.”

Pero, napag-uusapan na ba nila ang kasal?

“Ah, pakibigay nga ang microphone kay Rambo. Hahahaha!

“Pero, love ni Manang Rhea si Rambo, may posting din siya ng Beautederm!” saad ni Maja.

“Pero, nasa same page naman kami, may mga napag-uusapan na, pero si God pa rin ang ano riyan, sa tamang panahon, perfect timing!” sabi pa uli ni Maja.

Anyway, super willing din si Maja na kunin ‘ninang’ si Miss Rhea.

“Payag ka bang maging ninang?” tanong ni Maja kay Rhea.

“Yes! Sagot ko ang reception! Hahahaha!” sabi ni Miss Rhea.

Anyway, masusing pinormula ang Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters upang tulungan ang bawat tao na magkaroon ng balanse at malusog na pamumuhay sapagkat kinabibilangan ito ng pitong FDA-notified and all-natural health supplements na kinabibilangan ng Kenzen Bacopa Monniera + Centella Asiatica (Memory Booster) MeMax, na mayroong Phosphatidylserine, Bacopa Monniera, Centella Asiatica, at Lutein at pati na rin ng Silicone Dioxide Starch, Stearic Acid, at Calcium – na kilala sa kakayanan nitong mag-boost ng brain function, mag-enhance ng memory function, at mag-prevent ng memory loss; Kenzen BioDopa + Rosemary (Energy Booster) VivaGen, na mayroong Mucuna Pruriens extracts, Rosemary, at Maca and Guarana extracts – na tumutulong sa pagpapababa ng stress at sa pag-maintain ng physical at psychological vitality; Kenzen Vitamin C + Zinc (Immunity Booster) Z Plus – na mayroong Vitamin C o ascorbic acid at pati na rin ng Zinc na mahalaga sa growth, development, at repair ng lahat ng mga body tissues; Reiko Valeriana Officinalis + L-theanine (Sleep Enhancer) SomNest, Valeriana Officinalis extracts, 98% L-theanine, at GABA (Gamma Aminobutyric Acid) na lahat ay mainam para sa insomnia; Reiko Vitamin D + Grape Seed (Sun Protection Enhancer) PrestoSol, na mayroong Vitamin D, Grape Seed extracts, Amla extracts, at Rosemary extracts; REIKO Coffee Bean + Salacaia (Diet Enhancer) Slimaxine mayroong Coffee Bean extracts, Salacia extracts, at Ginger extracts; at REIKO Andrographis + Ginger (Digestion Enchancer) Fitox, na mayroong Andrographis at Ginger Plus Curcumin na nagpipigil sa mga flu viruses na kumapit sa cells ng katawan at isa ring natural appetite suppressant habang kinokontrol ang sugar levels respectively. Ang lahat ng ito ay naglalayong palakasin ang overall wellbeing ng bawat tao lalo na ngayon kung saan ang maayos na pamumuhay ay binibigyang kahulugan ng isang holistically sound physical, emotional, at mental conditions.

Mahigit isang taon ang iginugol nin Rhea kasama ang kanyang team para sa Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters upang masiguro ang holistic health na mahalaga upang mabuhay at magtagumpay lalo na ngayon kung saan kailangan ng malusog na katawan at pagiisip upang malagpasan ng lahat ang global health crisis.

“Malaking blessing ang Beautéderm at honored ako to be a brand ambassador of Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters,” sabi ni Maja na kilala din bilang isang serious health buff na makikita sa kanyang aktibong pamumuhay.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters at kapana-panabik na updates kay Maja Salvador at Beautéderm, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram at TikTok; at @beautedermcorp sa Twitter; i-like ang Beautéderm sa Facebook; at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

Leave A Reply

Your email address will not be published.