Una sa Balita

Rey PJ wala pang balita sa wedding plans ni Carla

By
0 371

Si Rey ‘PJ’ Abellana ay si Leandro sa istorya ng Alyas Robin Hood last year at sa bagong Ang Pagbabalik ni Alyas Robin Hood sa GMA na umere na noong Lunes, August 14. Bale tatay ni Venus na ginagampanan naman ni Andrea Torres.

“In a way expected na namin,” ang sagot ni Rey tungkol sa pagkakaroon ng part 2 ng naturang serye na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes bilang Pepe de Jesus/Robin Hood.

“Dahil base from part 1, ito lang ‘yung show na ang taas ng rating na inalis e, na sinara, e! You know, for some reasons behind it you know, and we’re expecting na ibabalik nila.” 

Sa tunay na buhay ay may anak na dalaga si Rey, ang Kapuso actress na si Carla Abellana. May pagkakapareho raw sina Rey at Leandro bilang ama.

“Ang character ni Leandro dito, isang daring na tatay na survivor na sometime way back big time sila, nagkaroon ng downfall.”

Daring at survivor rin naman daw si Rey sa tunay na buhay. “Puwede, puwede. Kaya hanggang ngayon lumalabas pa din tayo,” at tumawa ang aktor. “Survivor tayo.” Very close at open sa isa’t isa raw bilang mag-ama sina Leandro at Venus at sa tunay na buhay naman ay sina Rey at Carla.

“And supportive with each other, solid!”

Sa ngayon ay wala pang naririnig si PJ sa planong pagpapakasal ng anak na si Carla at Tom. “Wala pa rin! Wala pa.

Nakakarinig nga ako pero dati ko ng naririnig iyan, wala pa rin, e.” Okay na raw siya kung magpapakasal na ang dalawa.

“Of course! Si Carla she’s aging, you know? Si Carla, matagal na… the truth there, matagal na siyang nagtitiis para sa career niya. Alang-alang sa career niya.

“‘Yung para mag-settle down, iyon ang tinitiis niya.” Mas naka-focus raw muna si Carla sa showbiz career nito. “Pina-prioritize niya ‘yun, ganu’n si Carla, e. ‘Yung when she gets into something, priority ‘yun sa kanya. Pinahahalagahan niya ‘yan.

Hindi ‘yan paganu’n-ganu’n lang. Parang ‘yung schooling niya dati, imagine, every day she goes home to Quezon City! Every day she travels sa La Salle-Taft!

Nakuha pa rin niyang mag-graduate ng Cum Laude! “You could imagine the travel alone, the travelling alone, laspag ka na nu’n, so how could you concentrate better kung laspag ka na, sa biyahe pa lang? Sa traffic pa lang. 

“So ganu’n siya, dedikado, may intensity. ‘Yan daw ang namana ni Carla sa ama. Okay na siya kapag nagpaalam sina Carla at Tom na magpapakasal na.

“Ako, yes of course, oo! Ready tayo diyan kasi diyan naman din ang pupuntahan, e!”

Boto siya kay Tom bilang manugang niya. “She knows best for herself. Alam niya, kasi may utak naman ‘yan. “Kita mo, as I said, nagtitiis nga siya for the sake of her career.

“Pati ang settlement, ‘yung magse-settle down, palagay ko ilang beses ng napag-uusapan nila ‘yan! Sa tingin ko.” Na nade-delay dahil sa career muna nakatutok si Carla.

“The way I see it nangingibabaw siya diyan. It’s always the girl who gives the signal. 

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More