Una sa Balita

Revolutionary gov’t idedeklara ni Digong ‘pag nagkagipitan

By
0 8

Posibleng magdeklara ng revolutionary government si Pangulong Rodrigo Duterte kapag nalagay sa alanganin ang gobyerno dahil sa ilang grupong nagtatangkang pabagsakin ang kanyang administrasyon.

Sa panayam sa telebisyon kay Pangulong Duterte kahapon, sinabi nito na may mga grupong nagpopondo ng destabilization plot laban sa gobyerno at direktang tinukoy ang mga ‘oligarchs’ kasabwat ang mga militante, komunista at Central Intelligence Agency.

“I am concerned because ‘pag nag-giyera hahabulin ko talaga lahat including the NDF (National Democratic Front).

If I will declare a Martial Law, which I’m not… but if I will declare a revolutionary government arestado kayo lahat. Hindi ako nananakot… just remember that,” pahayag ng Pangulo.

Tulad aniya ng ginawa ni dating Pangulong Corazon Aquino noon na nagdeklara ng revolutionary government ng may gustong magpabagsak sa kanyang administrasyon, ganito rin ang gagawin niya kapag nakitang makokompromiso ang gobyerno at kapakanan ng mga Pilipino.

“I will not hesitate to declare a revolutionary go­vernment until the end of my term and I will arrest all of you, and we can go to a full scale war against the reds,” sabi pa ni Pangulong Duterte.

Mas madali aniya ang revolutionary government dahil kung Martial Law ay kailangan pa niyang mag-report sa Kongreso.