Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Revilla itutulak P5K allowance ng mga guro

0 105

Naghain si Senador Ramon Bong Revilla Jr. ng isang panukalang batas na naglalayong mabigyan ng karagdagang allowance ang mga guro partikular sa mga ginagamit nila sa kanilang pagtuturo.

Sa ilalim ng Teaching Supply Allowance Act, magkakaroon ng P5,000 dagdag allowance ang bawat guro kada school year.

Ayon kay Revilla, ang kahalagahan ng panukalang ay nabigyang-pansin nitong pandemya kung saan maraming guro ang hirap sa kanilang sitwasyon para maitawid ang online classes, kabilang ang paghahatid ng modules at iba pang learning materials sa kanilang mga estudyante.

“Marami kasing teacher na dahil sa pagmamahal sa kanilang propesyon ay sarili nilang pera ang ibinibili ng chalk, cartolina at iba pa na sa kabuuan ay malaking epekto ito sa kanilang kabuhayan kaya dapat lang na mabigyan sila ng karagdagang panggastos para sa kanilang pagtuturo” paliwanag ni Revilla. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.