Una sa Balita

Revilla hahatulan sa Disyembre 7

By
0 821

IbabaBA na sa Disyembre 7 ng Sandiganba­yan ang hatol laban kay dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. kaugnay sa P224.5 milyon plunder case nito.

Batay ito sa inilabas na supplemental order ng anti-graft court First Division na pirmado ni Sandiganbayan Justices Efren dela Cruz, Geraldine Faith Econg at ­Edgardo Caldona.

Ito ang kauna-una­hang hatol na ibababa ng anti-court na may kinalaman sa multi-billion pork barrel scam na pangunahing utak ay ang businesswoman na si Janet Lim-Napoles.

Si Revilla ay nananati­ling nakakulong sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, QC.