Una sa Balita

Retired Army patay sa baril ng pamangkin

By
0 1

Patay ang isang retiradong Philippine Army makaraang aksidenteng pumutok ang hawak nitong baril sa bahay ng kanyang kapatid sa loob ng compound ng Camp Vicente Lim sa Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Proceso Cariño, 64-an­yos, na idineklarang dead on arrival sa San Jose Trauma Hospital sa Brgy. Mayapa, sa nasabing lungsod.

Sa report ng pulisya, batay sa pahayag ng kapatid at anak ng biktima, dakong alas-sais ng gabi, nasa terrace ng kanyang bahay ang kapatid ng biktima na si Nestor Cariño at lilinisin sana ang kalibre .45 baril ng anak na jailguard subalit nang makita ng biktima ang nakapatong na baril sa mesa, walang sabi-sabing dinampot ito at saka sinuri-suri, subalit sa kasamaang palad ay bigla itong pumutok at tinamaan ito sa ulo.

Abante Hiring – IT dep

Hindi naman inaalis ng pulisya ang anggulong sinadya ng biktima na magbaril dahil napag-alaman na matagal na itong nagdurusa sa kanyang karamdamang stage 4 cancer.