Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Retiradong sundalo dakma sa baril, granada

0 401

Sa bisa ng search warrant, arestado ang retiradong sundalo matapos mabistong nagtatago ng granada at ibat-ibang klase ng baril sa Sitio Cruz, Barangay Ambonao Crus, Calasiao, Pangasinan Huwebes ng umaga.

Kinilala ng Calasiao Police Station (CPS) ang suspek na si Angelo M. Salazar, 56, may-asawa, retired PA, ng nasabing barangay.

Sa report ng CPS, nangyari ang insidente alas-10:34 ng umaga sa bahay ng suspek.

Ayon sa pulisya, sa hawak nilang search warrant na inisyu ni San Carlos City, Pangasinan Judge Magnolia Cayetano, ng regional trial court (RTC), Brach 56 noong January 6, si Salazar ay nakuhanan ng granada, Carbine rifle na may 2 magazine, .9mm pistol at 4 pirasong M-203 grenade launcher.

Base sa CPS, inireklamo umano si Salazar ng ilan niyang kapitbahay dahil sa pagtatago ng mga baril at pampasabog na kinatakutan sa kanilang lugar. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.