Una sa Balita

Retiradong pulis todas sa trailer truck

By
0 128

NAMATAY habang ginagamot sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center (MMMHMC) ang isang retiradong pulis matapos mabangga ng isang trailer truck Batac, Ilocos Norte noong kamakalawa nang gabi.

Kinilala ni Batac Police Station (BPS) commander Chief Insp. Samson Amistad ang biktimang si Romeo Galit, 64-anyos, dating miyembro ng Philippine National Police (PNP) ng nasabing barangay.

Ayon kay Amistad, naganap ang insidente bandang alas-11:40 nang gabi ng kamakalawa sa national highway ng Sitio Calcalinat, Brgy. Malasin sa nasabing bayan.

Sa report ng BPS, papuntang timog ng Brgy. Malasin nang bigla mabundol ng trailer truck na minamaneho ni Nelson Palpallatoc, 58, ng Calayan Gonzaga, Caga­yan, na pa-hilagang direksiyon nang mangyari ang aksidente.

Nagtamo ng iba’t ibang sugat sa ulo at katawan ang biktima na ikinamatay nito.

Nakakulong ngayon si Palpallatoc sa BPS at kasong reckless imprudence resul­ting to homicide ang ipinataw laban sa suspek. (Allan Bergonia)