Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Retiradong pulis tinodas

0 63

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay sa kanyang farm ang isang retiradong pulis ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Tagum City nitong Lunes.

Ayon sa report, nangyari ito sa Purok Mangga, Barangay Bincungan.

Kinilala ng mga otoridad ang biktima na si Rolly Sabitsana, 60-anyos, residente ng Purok Bayanihan, Barangay Visayan Village, Tagum City.

Sinabi ni Police Major Joselito Tan Jr., hepe ng Tagum Police Station, na nagpapakain ng isda noon ang biktima nang barilin ng mga suspek.

Sa kanang bahagi ng tiyan ito tinamaan. Dinala pa sa ospital pero dead on arrival na.

Patuloy pa ang imbestigasyon kung sino ang nasa likod ng pamamaril at kung ano ang motibo nito. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.