Una sa Balita

Retiradong pulis tinodas habang nagre-referee sa basketball game

By
0 580

PATAY ang isang retiradong opisyal ng kapulisan matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem habang nagre-re­feree sa isang basketball game kamakalawa nang gabi sa Marikina City.

Kinilala ni Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Ber­nabe Balba ang biktima na si Ret. Police Chief Insp. Elmer Corbe, nasa hustong gulang, at residente ng Cadena De Amor kanto ng Olandes, Barangay Industrial Valley Complex (IVC) ng lungsod na ito.

Si Corbe ay dating nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) at nalipat sa Marikina police, kung saan siya inabutan ng kanyang pagreretiro sa serbisyo.

Ayon kay P/Senior Supt. Roger Quesada, hepe ng Marikina City Police, dakong alas-6:30 nang gabi kamakalawa nang maganap ang krimen sa basketball court ng nabatid na barangay.

Nabatid na abala ang biktima sa pagre-referee sa isang basketball game nang dumating ang mga suspek na riding-in-tandem at agad na bumaba ng kanilang motorsiklo at walang sabi-sabing pagbabarilin ang biktima nang malapitan.

Nang matiyak na patay na ang target ay mabilis nang sumakay muli ng motorsiklo ang mga suspek, at humarurot palayo sa lugar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy