Una sa Balita

Retiradong pulis pinatay sa sementeryo

0 387

PATAY ang 61-anyos na retiradong miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos pagbabarilin sa loob ng public cemetery sa Barangay Poblacion Sur, Sta. Maria, Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ng Sta. Maria Police Station (SMPS) ang biktima na si Reynaldo Castro, dating miyembro ng PNP Ilocos Sur, ng Barangay Baliw Laud, ng nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, ayon sa SMPS, pumunta umano ang biktima sa sa sementeryo upang maglinis sa puntod ng yumaong kamag-anak kasama ang dalawang trabahador.

Nakaupo umano ang biktima at nagtatanggal ng mga damo nang biglang lumapit ang hindi pa nakikilalang suspek at bigla siyang pagbabarilin sa ulo at katawan.

Agad na tumakas ang suspek gamit ang motorsiklo sa hindi malamang direksiyon pagkatapos ng pamamaril.

Mabilis na isinugod si Castro ngunit dead-on-arrival sa Ilocos Sur District Hospital-Narvacan, Ilocos Sur, ayon sa mga attending physician.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang SMPS hinggil sa insidente. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy