Una sa Balita

Retiradong mga pulis paldo

0 439

NAGPAHAYAG ng kasiyahan si PNP Chief Police General Oscar Albayalde sa pag-release ng Department of Budget and Management (DBM) ng pondo para sa pagtaas ng pensyon ng mga retiradong pulis.

“The PNP welcomes the release of funds by the Department to Budget and Management for pension adjustment of retired PNP personnel covering the period June to December 2019 which is equi­valent to the base pay scale of active duty police personnel pursuant to the approval by President Duterte of Congress’ Joint Resolution No. 1 that authorizes additional pay for retired military and uniformed personnel,” pahayag ni Albayalde sa press briefing kahapon sa Camp Crame.

Ang naturang halaga ay para sa adjustment ng pensyon ng mga retiradong pulis mula Hunyo hanggang Disyembre 2019 na magiging katumbas ng “one month base pay scale” ng mga aktibong pulis.

Ito’y alinsunod sa pag-apruba ni Pangulong Rod­rigo Duterte ng Joint Resolution No. 1 ng Kongreso na nag-aawtorisa ng umento sa pensyon ng mga retiradong military at police personnel.

Ang magandang balita sa mga retiradong pulis ay pagpapakita ani Albayalde ng tunay na pagmamalasakit ng Duterte administration sa mga miyembro ng unipormadong serbisyo. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy