Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Retiradong colonel tinimbog sa pinatay na Cebu lawyer

0 276

Dinampot ng National Bureau of Investigation (NBI)-Central Visayas ang dating opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sinasabing nangasiwa sa pagpatay sa abogadong si Joey Luis Wee sa Cebu City noong November 2020.

Kinilala ang suspek na si retired Army Colonel Edwin Layese, dating PDEA Region 6 director na dinakip noong Enero 13, 2021.

SM food to go Banner Ad

Ani NBI-7 Director Renan Oliva sa isang press conference na ipinalabas nitong Lunes, “We have documentary, electronic, and testimonial evidence to show that Edwin Layese is involved in the said killing not only as a participant but as the supervisor in the case of Atty. Wee.”

Ayon sa opisyal, hindi si Layese ang mastermind pero isang contractor ang kinuha para siyang magplano at isagawa ang ambush kay Wee.

Nobyembre 23, 2020 nang tambangan si Wee sa labas ng kanyang office building sa Cebu City. (IS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.