Una sa Balita

Retarded ejaculation

By
0 3,131

Dear Dra. Holmes:

Dok magandang umaga po, hihingi po sana ako ng advice, matagal na po kami ng girlfriend ko at may balak na rin pong magpakasal.

Nangangamba po ako sa sitwasyon ko po ngayon nawawala po ako ng gana makipag­talik, pero po nakakapag-sex pa po kami, ngunit matagal na po akong labasan. Siguro po sa tagal na po namin itong ginagawa.

Nangangamba po ako na baka hindi ako makaputok sa loob at baka hindi po kami magkaanak, gusto ko po magkaanak po, paano po ang gagawin ko Dok, minsan naisip ko po na mailabas sa labas, at ipasok pa kamay ang sperm, pwede po kaya ‘yun?

‘Pag nakakapanood naman po ako ng porn eh mabilis naman po akong labasan, sana po matulungan nyo po ako Dok.

— Marlo

Dear Marlo:

Maraming salamat sa sulat mo. Mayroong tatlong mga isyu na may tanong ka, at sasagutin natin ito isa-isa, ok?

Number one: matagal kang labasan. Kahit na mas bihira itong kondisyon kaysa sa mga lalakeng mabilis labasan, mayroon pa­ngalan para rito – retarded ejaculation;

i.e., matagal labasan. Akala ng ibang tao, napakagandang maging matagal labasan, at totoo ito, kung 30 minuto kahit isang oras. Pero ang isyu ng mga matagal labasan ay hindi talaga kung ilang minuto tumatagal ang pagsisi­ping, pero kung ang la­lake ay may kontrol kung kailan siya lalabasan. Kung isang oras at may kontrol ang lalake at nasasarapan siya at ang babae, de GO!!

Pero, kahit na 30 minuto lang, at nasasaktan na ang babae at siya rin ay gusto nang labasan pero wala pa ring nangyayari, siya ay masasabi nating may kondisyon na matagal labasan.

Kadalasan, ang dahilan na mayroong mga lalakeng mayroong mga retarded ejaculation (matagal labasan na hindi mo naman gusto) ay hindi dahil matagal na siyang nakikipagsi­ping sa asawa o gf niya.

Totoo, baka mas matagal hanggang maka-erect, (matigasan) ang lalake kung matagal nang nagsisiping sila ng partner/asawa niya, pero bihira siyang matatagalan labasan dahil dito. Ang mga dahilan para sa retarded­ ejaculation ay marami.

Minsan simple lang, pero minsan, mas mahirap gamutin. FINAL INSTALLMENT ON SATURDAY­

***

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. Sundan siya sa Twitter at sulatan at i-LIKE sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes