Una sa Balita

Retarded ejaculation (6)

By
0 1,380

Dear Dra Holmes: (shortened March 22 letter)

Matagal na po kami ng girlfriend ko at may balak na rin pong magpakasal. Nangangamba po ako sa sitwasyon ko po ngayon nawawala po ako ng gana makipagtalik; pero po nakakapag sex pa po kami, ngunit matagal na po akong labasan.

Siguro po sa tagal na po namin itong ginagawa.

Nangangamba po ako na baka hindi ako makaputok sa loob at baka hindi po kami mag kaanak, gusto ko po magkaanak po, paano po ang gagawin ko Dok, minsan naisip ko po na mailabas sa labas, at ipasok pa kamay ang sperm, pwede po kaya yun?

Pagnakakapanood naman po ako ng porn eh mabilis naman po akong labasan, sana po matulungan nyo po ako Dok. – Marlo

Dear Marlo:

Maraming salamat sa sulat mo na una nating­ pinublish noong nakaraang Huwebes Marso 22. Sa huling kolum ko noong nakaraang Huwebes, Abril 5, sinabi ko na mas mahirap, siyempre, kung ang iyong problma ay may 2 ugat:

Una, ang ibang paraan ng iyong masturbation kaya hindi maka-“compete” ang ordinayong pagtatalik AT, ikalawa, ang iyong mga pantasiya kapag ikaw ay nagmamasturbate ay napakaiba sa nangyayari habang nagtatalik ka. Tinawag ko itong “double whammy” dahil mahirap na ngang masolusyunan ang isa, mas mahirap ang solu­syunan ang dalawa!

Pero, gaya rin ng sinabi ko noong naaraang Huwebes, “kahit na double whammy ito, hindi ibig sabihin na hindi ito masosolusyunan.”

Basta lang ang problema mo ay hindi dahil sa problema sa iyong spinal cord (gulugod) o iba pang mga sakit na byoholiko (biological), malamang mas madali itong masolsyunan.

Kadalasan, ang larangan ng pantasiya ang mas mahirap. Mas mahirap matulungan ang isang lalakeng may pantsiyang nakakatulong sa kaniyang mag-ejaculate kung ang katotohanan ng kaniyang realidad habang nagsisiping ay ibang iba.

Minsan, ang mas madaling solusyon ay mag role-play.

At suwerte talaga ang mag-partner kung sapat ng makatulong ang role play, at puwede kang labasan kapag nag-cooperate ang partner mo. 

Halimbawa, kung ang pantasiya mo para labasan ay may isang nars na malupit sa iyo — yes, may mga taong ganyan at normal rin sila — madali lang para sa partner mo na magsuot ng pang nars at magkunwari (at magandang mag-arte) para ok na yun na pampagana at para labasan.

At hindi kasing hirap ikuwento sa partner mo, kaysa kung, halimbawa, ang pantasiya mo ay isang babaeng sobrang bata at sobrang maliit (hindi mataba) sa kaniya.

Wala kang masyadong sinabi tungkol dun kasi, Mario. Kung sakaling hindi pa sapat ang aking mga sinasabi sa iyo, ok kaya kung sulatan mo nanaman ako para mapagusapan natin ng mas malalim ang iyong mga pantasiya, atbp? Ingat.
– MG Holmes