Una sa Balita

Retarded ejaculation (5)

By
0 1,246

Dear Dra. Holmes: (shor­tened March 22 letter)

Matagal na po kami ng girlfriend ko at may balak na rin pong magpakasal. Na­ngangamba po ako sa sitwasyon ko po ngayon nawawala po ako ng gana makipagtalik; pero po nakakapag-sex pa po kami, ngunit matagal na po akong labasan.

Siguro po sa tagal na po namin itong ginagawa.

Nangangamba po ako na baka hindi ako makaputok sa loob at baka hindi po kami mag kaanak, gusto ko po magkaanak po, paano po ang gagawin ko Dok, minsan naisip ko po na mailabas sa labas, at ipasok pa kamay ang sperm, puwede po kaya ‘yun?

Pagnakakapanood naman po ako ng porn eh mabilis naman po akong labasan, sana po matulungan niyo po ako Dok.

— Marlo

Dear Marlo:

Maraming salamat sa sulat mo na una nating pi-nublish noong Marso 22. Sa huling kolum ko noong nakaraang Martes, Abril 3, sinabi ko na, in a way, mas “mahirap” matulungan ang sarili kapag may delayed ejaculation dahil hindi lang ang sarili mo ang kailangan, pero ang partner mo.

Ikalawa, maraming may delayed ejaculation, pero hindi naman lahat—ay nagma-masturabate ng paraang hindi makipagpaligsahan (compete) ng pagtatalik.

Ang ibig kong sabihin sa hindi makipagpaligsahan ay pisikal. Maaaring kapag nagma-masturabate ka habang nanonood ng porn (o pagkatapos, o kahit bago ka manood) iba ang pagkahawak mo sa iyong ari.

Ang kaibahan ay saan mo hinahawak ito, o gaaanong kasikip (Tight) o gaanong kalakas ang iyong hawak rito.

Minsan kasi, ang pagkahawak ng ari kapag nagma-masturbate ay napakahigpit at napakalakas na ibang iba sa karanasan ng lalake habang siya ay nagsisiping sa kaniyang partner.

Ibang-iba ang kapit ng ari ng babae sa ari ng lalake, halimbawa, na hindi na siya puwedeng maka-ejacuate dahil ang ari ng babae ay hindi makakapagligsahan (the vagina cannot compete) sa hawak ng kamay mo na nakasanayan mo na.

Maaari ba na ‘yun ang nangyari sa iyo, dearest Mario?

Kung ‘yun nga, at kung ang iyong pantasiya ay ibang-iba rin sa ginagawa ninyo ng partner mo, para bang ‘double whammy’ ang nangyari sa iyo. Pero kahit na double whammy ito–o single whammy–hindi ibig sabihin na hindi ito masosolusyunan. FINAL INS­TALLMENT SATURDAY

***

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. Sundan siya sa Twitter, at sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes