Una sa Balita

Retarded ejaculation (4)

By
0 1,933

DEAR Dra. Holmes: (shortened March 22 letter)

Matagal na po kami ng girlfriend ko at may balak narin pong magpakasal.Nangangamba po ako sa sitwasyon ko po ngayon nawawala po akong gana makipagtalik; pero po nakakapag-sex pa po kami, ngunit matagal na po akong labasan. Siguro po sa tagal na po namin itongginagawa.

Nangangamba po ako na baka hindi ako makaputok sa loob at bakahindipo kami magkaanak, gusto ko po magkaanakpo, paano po ang gagawin ko Dok, minsan naisip ko po namailabas sa labas, at ipasok pa kamay ang sperm, pwede po kaya ‘yun?
‘Pag nakakapanood naman po ako ng porn eh mabilis naman po akong labasan, sana po matulungan niyo po ako Dok.

–Marlo

Dear Marlo:

Maraming salamat sasulat mo na una na­ting pi-nublish noong nakaraang Huwebes Marso 22. Sa huling kolum konoong nakaraang Martes, Marso 27, sinabiko na, ayon sa aking karanasan bilang sex therapist, ang kahirapan ng pagtulong sa isang matagal labasan (delayed ejaculation) ay depende kung gaanong kalayo ang technique (paraan) ng kaniyang pag-ejaculate kapag siya ay nagsisiping sa kaniyang partner at kapag siya ay nag-mamasturbate habang nanonood ng porn.

At hindi lang ako ang nagsasabi niyan. Ganu’n rin ang sinasabi ni Dr. Michael A. Perelman, Propesor ng Psychiatry at Urology­ sa Weill Medical College of Cornell University in New York City. Ayon sa kaniya, ang delayed ejaculation (DE) ay katulad ng isa pang problema sa sex. Ito ay tinatawag sa Ingles ng “hypoactive sexual desire” (HSD).

Sa Filipino, matatawag natin siguro itong ‘mababang interes sa sex’. Sinabi ito ni Propesor Perelman dahil, ayon sa kaniya, ang DE at ang HSD ay parehong ibigsabihin na ang gusto ng lalake ay ibang klaseng sex kaysa sa nakakamit sa pagsisiping sa kaniyang partner.

Pero ‘yan lang siguro ang pagkakatulad ng DE sa HSD. Dahil sa DE, ang kagustuan ng isang la­lakeng may DE ay isang klase ng style (paraan) ng pagma-masturbate at ang pantasiya (fantasy) sa sinasamahan ninto habang siya ay nag-mamasturbate ay hindi katulad ng paraan na nagsisiping siya sa partner niya.

Mas masakit pa dun, malamang ang pantasiya (fantasy) habang siya ay nagma-masturbate sa porn ay ibang iba sa partner niya. TO BE CONTINUED

***

Si Dra. Holmes ay nagsusulatsa Abante tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. Sundan siya sa Twitter o sulatan at i-like sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes