Una sa Balita

Retarded ejaculation (4)

By
0 1,381

Matagal na po kami ng Girl friend ko at may balak na rin pong magpakasal. nangangamba po ako sa sitwasyon ko po ngayon nawawala po ako ng gana makipagtalik; pero po nakakapag sex pa po kami, ngunit matagal na po akong labasan.

siguro po sa tagal na po namin itong ginagawa.

Nangangamba po ako na baka hindi ako makaputok sa loob at baka hindi po kami mag kaanak, gusto ko po magkaanak po, paano po ang gagawin ko Dok, minsan naisip ko po na mailabas sa labas, at ipasok pa kamay ang sperm, pwede po kaya yun?

Pagnakakapanood naman po ako ng porn eh mabilis naman po akong labasan, sana po matulungan nyo po ako Dok.

Marlo

***

Dear Marlo:

Maraming salamat sa sulat mo na una na­ting pi-nublish noong nakaraang Huwebes Marso 22. 

Sa huling kolum ko noong nakaraang Huwebes, Marso 29, sinabi ko ang kagustuan ng isang lalakeng may DE ay isang klaseng style (paraan ng pagkamasturbate) at ang pantasiya (fantasy) sinasamahan nito habang siya ay nag-mamasturbate kasama nito na hindi katulad ng paraan na nagsisiping siya sa partner niya.

Mas masakit pa dun, malamang ang pantasiya (fantasy) na sinasamahan ng kaniyang pag-mamasturbate ay iba sa partner niya. Papaano naman maa­ring makipag­paliksahan (compete) ang isang babae (kahit na mahal mo siya) at ang inyong pagsisiping sa mga pantasiyang (fantasy) na sinasamahan ng iyong sariling paraan makarating sa langit?!!?

Napakahirap, diba? Lalo na kung hindi ka handang sabihin sa iyong partner anu-ano ang iyong ginagawa at anu-ano ang iyong pinapantasiya.

Ang mas mahirap pa dun ay, hindi ka sigurado na matatanggap ng iyong partner kung sabihin mo sa kaniya ang iyong pantasya.

Yan ang isang dahilan na mas mahirap ‘magamot’ ang delayed ejaculation kaysa sa erectile dysfunction (mahirap tumigas) or premature ejaculation (madaling labasan). Kailangan kal­kulahin mo kung papaano mo masabi ang sa partner mo ang iyong mga pantasiya.

Pero malamang mas mahalaga pa diyan ay ang paraan ng iyong pagkamasturbate habang mag-isa ka (at malamang nanonood ng porn). May paraan bang magagawa ninyo ng partner mo ang isang paraang magtalik na halos pareho ng ginagawa mo habang nag-mamasturbate ka? TO BE CONTINUED