Ret. Navy tinapos sa limang bala ni kuya

By
0 949

LIMANG tama ng baril sa ulo at katawan ang ikinasawi ng isang 64-anyos na retired Philippine Navy nang pagbabarilin ng kuya nito na da­ting barangay captain, noong Biyernes nang umaga sa Sitio Balancio, Brgy. Villa Boado, Talugtug, Nueva Ecija.

Sa ulat ni P/Sr. Inspector Ronnel F. Duque sa tanggapan ni P/Sr. Supt. Eliseo Tanding, NE provincial director, nakilala ang biktima na si Tranquilino Ventinilla Balacuay, residente ng ­Purok 3, Brgy. Villa Boado, Talugtug.

Nabatid na alas-10:00 ng umaga habang ang salarin na si Melecio Balacuay Sr., 73-anyos, residente ng Brgy. Nangabulan, Talugtug, ay umaasiste sa ipinapaararong bukid ay dumating ang biktima.

Nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid ukol sa matagal na umanong pinag-aawayang sinasakang bukid.

Sa sukdulan ng pagtatalo ay bumunot si Melecio ng nakasukbit na caliber .45 at pinagbabaril ang kapatid ­habang nakatalikod ito.

Nang bumulagta si Tranquilino ay mabilis na suma­kay sa kanyang motorsiklo ang salarin at boluntaryong sumuko sa pulisya, at kinasuhan ng murder.

Abante – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...